Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina Halili is happy for Cristine Reyes's career in ABS-CBN

"Honestly, happy ako sa nangyayari kay Cristine. Maganda na ang tayo niya sa Dos. Kung saan siya masaya, roon siya. Ganoon lang yun. We should be happy for her. Finally, napansin siya ng ABS-CBN. May nakita siguro sa kanya ang Dos na hindi basta nakita ng

Author: Archie de Calma


Ang One Night Only ang pangalawang Metro Manila Film Festival movie na kasali si Katrina Halili. Ang unang MMFF film ni Katrina ay ang Super Noypi na naipalabas noong 2006.

One Night Only is a sex-comedy produced by OctoArts Films, sa direksyon ni Joey Reyes.

"Mas excited ako ngayon dahil malaki na talaga ang role ko this time," sabi pa ni Katrina nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Natuwa naman ako, lalo sa co-stars ko rito--sina Diana Zubiri, Alessandra de Rossi, Jennylyn Mercado and Valerie Concepcion--pantay-pantay naman ang naging treatment sa amin dito. Hindi totoong nagkaroon ng patalbugan."

WHO'S THE REAL "STAR"? Pero, sa presscon pa lang nito na ginanap kahapon, December 11, sa Cravings, T. Morato Ave., Quezon City, ayon sa press people ay naging mas istariray ang dating ni Diana Zubiri, lalo nang sumagot ito sa isang tanong na ang ibang co-stars niya sa pelikula ay binalewala lang at hindi sineryoso.

"Kung yun ang sa tingin ng iba sa press, wala akong magagawa, kasi, opinyon nila yun. Ako naman at sinagot ko lang sa abot ng makakaya yung tanong nila, at kung hindi ko sila na-please, ganoon na lang siguro yun. I don't want to make a big deal out of it," deretsahang sabi ni Katrina.

Sa umpisa pa lang na pinaplano ang shooting para sa nabanggit na MMFF entry ng OctoArts Films, iniintriga na si Katrina. Dahil daw sa pagpapa-press release na siya ang totoong bida sa project kaya nagsipag-atrasan ang iba pang artista ng Star Magic na inalok para gumanap sa iba pang major roles sa pelikula.

"Hindi naman kasi totoo 'yan. Kaya nga hindi na lang ako nagsalita. Para ano pa? Hindi nga rin ako nagtanong kung bakit sila umalis sa cast, na alam kong kasama sila.

"Nirespeto ko na lang ang desisyon nila. May kanya-kanya silang dahilan, at ako naman, happy na rin lang sa kinalabasan ng pelikula kasama ang co-stars ko," banggit ni Katrina.

Napansin din namin na si Katrina ang ipinuwesto sa gitna ng poster. Sa ganitong paraan nag-umpisa ang dispute sa kaso ng Desperadas 2, another filmfest entry mula sa Regal. Usually, ang nasa gitna raw ang pinakaimportante, gaya sa kaso ni Marian Rivera sa nabanggit na Regal movie.

"Wala namang ganyang issue sa amin," natatawa na lang si Katrina. "Pati ba pictorial, gawan ng intriga?"

KATRINA VS. CRISTINE. Pero, mukhang nauungusan na siya ni Cristine Reyes pagdating sa paseksihan. Ano ang masasabi ni Katrina?

"Honestly, happy ako sa nangyayari kay Cristine. Maganda na ang tayo niya sa Dos. Kung saan siya masaya, roon siya. Ganoon lang yun. We should be happy for her.

"Finally, napansin siya ng ABS-CBN. May nakita siguro sa kanya ang Dos na hindi basta nakita ng GMA-7. Hindi ko naman iniisip na kung hindi siya lumipat sa Dos, walang mangyayari sa kanya.

"Mayroon kasing tinatawag na 'Slowly but surely.' Pero, kanya-kanyang diskarte 'yan. Kung sa palagay niya, mas makabubuti yung ganoong pacing sa career niya, we should all be happy for her, at suportahan na lang natin si Cristine," nangingiting sabi pa ni Katrina.

Kahit daw para silang mga manok na pinagsasabong sa ngayon dahil magkasalungat na networks na ang pinagmumulan nila, hindi raw magiging daan yun para masira ang friendship nila ni Cristine.

"May mga nag-attempt nang intrigahin kami, pero hindi naman 'yan ang binibigyan namin ng pansin. Kanya-kanya kaming trabaho, kaya ganoon na lang," ani Katrina.

Source: Philippine Entertainment Portal