|
|
| Katrina Halili sumikat sa U.S. dahil sa sex video nila ni Dr. Kho![]() Author: Noel Asiñas LALONG sumikat si Katrina Halili sa America buhat nang nagkaroon siya ng sex video scandal. Hindi naging negative publicity sa kanya ang nangyari, mas sinuportahan pa siya ng mga Pinoy sa U. S. Matindi ang sympathy kay Katrina ng mga Pinoy sa America nang pumunta siya roon para sa promo ng Pinoy TV at Western Union. Mas hinangaaan siya ng mga Pinoy roon dahil sa kanyang katapangan sa pagsisiwalat ng lahat hinggil sa gina-wa sa kanya ni Dr. Hayden Kho. Ayon kay Rams David, program manager ng GMA7, at head ng delegation ng GMA stars sa America, dinumog ng mga Pinoy ang shows ni Katrina with Mark Herras, Pauleen Luna at Jay-R sa Los Angeles, California, New Jersey at New York. * * * SAMANTALA, last Wed-nesday ay umalis ang grupo ng Walang Tulugan hea-ded by German Moreno at program manager na si Rams David para mag-concert na-man sa mga lugar sa Canada na kinabibilangan ng Vancouver, Winnipeg at Victoria City. Kasama nina Germs at Rams sina John Nite, Jake Vargas, Manilyn Reynes, Iza Calzado at ang ama ng actress na si Lito Calzado. Siyempre, kasama rin sa tour ng Walang Tulugan ang pagpu-promote ng Pinoy TV kung saan ipinalalabas ang dalawang channel ng Kapuso, GMA at QTV. * * * IPINAGBIBIGAY- ALAM ng AMWSLAI at partnership with Armed Forces of the Philippines Ladies Club ang nationwide search ng AFP/PNP Singing Star '09 at Quest for AFP/PNP King and Queen of Ballroom Dancing '09. Sa mga nagnanais lumahok sa talent search, puwedeng magpatala hanggang Sept. 30 this year. Mag-submit ng complete perso-nal details sa AFPOLC Office, Camp Aguinaldo, Que-zon City. Contact Corporal Jil Pontimayor at 0927-7950936 0r call 9116001 local 6449. * * * EXTENDED ng one week ang Adik Sa 'Yo. Mapapanood pa ito hanggang Sept. 11 sa GMA Telebabad. Nitong Sunday ay nagkaroon ng farewell presentation ang main cast ng Adik Sa Yo na sina Dennis Trillo at Jennica Garcia, Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Sa istorya, mag-kakatuluyan bilang mag-syota ay sina Dennis at Jennica na gu-maganap bilang Ruben at Karen. Kung papaano magwawakas ang love story nina Karen at Ruben, ito ang ma-sarap abangan. Gayundin ang kapalaran ng pag-iibigan ng tambalang Marvin at Jolina. * * * LALONG gumaganda ang episodes ng Hole in the Wall, kahit sabihing hanggang two-season lang ang contract ng programa sa mo-ther studio ng Hole in the Wall sa America. Mapapanood pa rin sa buong buwan ng September ang Hole in the Wall. Ba-litang pagkatapos nito ay ibabalik ang Family Feud sa timeslot ng Hole in the Wall with host Richard Gomez. * * * SA Manila Bay naman ang tungo ni Paolo Contis para doon magdaos ng kanyang hosting job for OC to the Max. Magsusuot ng costume ng Tarzan si Paolo. Mas sexy siya ngayon. Kitang-kita ang kanyang muscles at abs. Alam ba ninyo na dara-ting sa Manila Bay si Paolo na ang bubungad sa kanya ay mag-kadate na babae at isang gorilya. Source: Taliba |