|
|
| Katrina at Kris, may contact paAuthor: Nitz Miralles NAKAUSAP namin si Ogie Alcasid sa frist shooting day ng movie nila ni Michael V na ang tentative title ay Spoiled Brat (Whatever Yaya!). Inuna naming itanong ang nabalitang pagpapakasal ng ex niyang si Michelle van Eimeren. Nagulat ito sa paglabas ng balita at nakakatuwa dahil tumataas ang boses niya na parang ayaw magsalita. "Aling kasal? Hindi ko alam, narinig ko lang ang tungkol doon. " Nang malamang in-announce ni Michelle sa Facebook na nakabili na siya ng wedding gown, para lang daw sa friends nito ang announcement, kaso nakarating sa press. "Hayaan na natin sila, private sila at respetuhin natin. But, I'm very happy for them. " Hindi sumagot si Ogie sa tanong kung dadalo sila ni Regine Velasquez sa November wedding nina Michelle at Mark Murrow at 'di rin malinaw ang sagot kung susunod na silang magpapakasal ni Regine. "Hindi ko puwedeng sagutin 'yan, sana puwede kong sagutin. " May participation kaya sila sa kasal? Like, sila ni Regine ang kakanta? "Sana puwede akong sumagot," sabi nito. * * * WORKING title pa lang daw ang Spoiled Brat (Whatever Yaya! na title ng movie nina Ogie at Michael sa direction ni Mike Tuviera at co-produced ng APT Entertainment at GMA Films. Sabi ni Ogie, Arrespacochaga ang apelyido ni Angelina at sabi ni Michael, seven years old dito si Angelika, kaya makulit. Sa September ang playdate ng movie at kasama sina Jomari Yllana, Aiko Melendez, Sheena Halili, Roxanne Guinoo, Victor Aliwalas at Iza Calzado sa cast. Guests sina Regine at Dennis Trillo, pero 'di pa sure kung si Dennis ang gaganap na Sean Phillip na crush ni Angelina. May soundtrack ang movie na sina Ogie at Michael din ang gagawa at ipinaGMAlaki ng huli na ang make-up nila'y HD especially made for HD camera at ang producer nilang si Tony Tuviera ang bumili. May optical effects din daw ang movie at sisiguraduhing maganda. "Hindi namin alam na magiging movie ito. Ginawa lang naming segment sa Bubble Gang, after that, parang ang daming ideas at scenario na puwedeng gawin. Si Direk Uro dela Cruz ang nakaisip nito at parang wake-up call sa parents na ipinauubaya ang mga anak sa mga yaya. "Ang daming nakaka-relate. Ang character ni Yaya ay sama-samang karakter ng mga yaya. May love interest din si Yaya rito at mahilig siya sa drivers, contruction workers, bangkero. Kaya seven years old si Angelina dahil GMA-7," kuwento ni Michael. * * * WALANG magagawa si Kris Lawrence dahil tuwing nai-interview, tungkol kay Katrina Halili ang tinatanong sa kanya. Gaya na lamang sa launching ng S. A. M. Soul and Sonatas album at librong S. A. M. ni Samantha Riviera, kung saan, isa siya sa three singers na nag-interpret sa compositions ni Samanta who is based in the States. Nagkikita at may communication pa rin sila ni Katrina at suportado niya sa mga ginagawa nito dala ng sex video. "Siyempre, naaawa ako sa kanya, dito pa rin ako at 'di ko siya iiwan. I pray for her everytime," lang ang nasabi. Six songs ang ni-record ni Kris sa album, na ang launching ay sa July 3, sa Music Museum at uuwi rito si Samantha para sa special occasion. Ilan sa kinanta ni Kris ay ang How Could You, I Would Do Anything, Loving You, Kahit Anong Anyo at iba pa. Sina Jenine Desiderio at Kai Wara ang kumanta ng ibang songs ng 10-track album to be released by Universal Records. * * * TUWANG-TUWA si Victor Basa na may facial hair na siya dahil at 24 years old (birthday niya last June 6), maipaGMAmalaki niyang mama na siya at hindi na tatawaging "little boy," which he finds weird dahil ang laki niyang tao. He portrays Bro. John sa May Bukas Pa at hindi raw siya nahirapang umarte dahil religious siya in real life and he has a relationship with Jesus. 'Yun nga lang, dahil sa role ng pari, hindi na siya gumigimik dahil pangit na pari siya sa soap tapos, nakikita sa mga bar. Habang umeere ang soap, sa bahay na muna at bahay ng mga kaibigan siya umiistambay. Inamin ni Victor na nagkaroon sila ng "almost there" relationship ni Valeen Montenegro (birthday noong June 10), naging busy lang daw sa school at career ang dalaga kaya nag-decide silang maging friends na lang. Sabi ni Valeen, si Victor ang naging busy and in fact, may non-showbiz BF na siya at tuloy ang Fashion Design course sa College of St. Benilde. Walang regular show sa ABS-CBN si Valeen, kaya sa Lokomoco ng TV5 siya napapanood at kung matutuloy, makakasama siya nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa launching movie nilang Nandito Ako. Co-endorsers ni Valeen ang dalawa sa BNY, kaya friends na sila. * * * NGAYONG Huwebes sa Ngayon at Kailanman, tuloy ang pagpapahirap ni Donna (Arci Muñoz) kay Ayra (Heart Evangelista). Inutusan niyang mag-deliver ng itlog ang dalaga at habang may hawak na mga itlog, binunggo siya ng mga bata na ikinatumba niya at ikinabasag ng mga itlog. Sa sama ng loob, nanatili sa kalsada si Ayra at nakita sina ni Edwin (JC de Vera) na papunta sa party na bigay ni Donna. Pinaalis siya ni Ayra at binato ng itlog nang ayaw umalis na ikinadumi ng suot, pero tumuloy pa rin sa party. Sa sobrang pagod hinimatay si Ayra, nakita siya ni Edwin, isinakay sa sasakyan at iniuwi sa hacienda. Source: People's Tonight |