Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina, balik-trabaho na! Lubog na raw kasi sa utang!

Katrina, balik-trabaho na! Lubog na raw kasi sa utang!

Author: Ruel Mendoza

BALIK-TRABAHO na nga si Katrina Halili at kasama na siya sa malaking cast ng Rosalinda bilang ang primera kontrabida na si Fedra Perez Romero de Altamirano.

Noong nakaraang Tuesday nga ay nakita si Katrina na papaakyat sa opisina ni Ms. Wilma Galvante at makikipag-meeting na raw ito para sa gagawin niyang show sa GMA-7.

Nabanggit ni Katrina na kailangan na niyang magtrabaho dahil malaki na ang nawalang pera sa kanya, at lubog na siya sa utang, dahil sa mga naganap na demandahan with Hayden Kho. May mga binabayaran siyang mga bahay at kung anu-ano pa kaya kailangan na niyang kumita at bawiin ang mga nagastos niya nitong nakaraang buwan.

Ang kontrabida role nga na Fedra ang inalok kay Katrina at buong ningning niya itong tinanggap.

Usap-usapan na in-offer nila ito kay Cristine Reyes na gusto na raw magbalik-GMA-7. Pero mukhang may problema pa ito sa ABS-CBN 2 kaya hindi na siya nahintay.

Tamang-tama lang para kay Katrina ang role dahil gusto nga nitong magsimula ulit at ang papel na Fedra ang muling magbibigay sigla sa career nito.

Kung matatandaan ay si Katrina ang gumanap sa kontrabidang si Angelika sa MariMar kunsaan pinagbidahan for the first time ni Marian Rivera.

Lumaki ang pangalan ni Katrina kaya siya nabigyan ng pagkakataon na magbida sa isang afternoon soap series na Magdusa Ka.

Ngayon ay isang fresh at bago ulit na aktres sa katauhan ni Carla Abellana ang makakatikim sa katarayan ni Katrina. Next week nga ang simula ng taping ni Katrina at tuwang-tuwa ito na si Direk Maryo J. delos Reyes ang nagdidirek ng Rosalinda.

Patungkol naman sa dapat ay ang role na Va­lentina ang gagawin ni Katrina, hindi na raw ito napag-usapan. Kahit ito raw ang unang gustong gawin ni Katrina, mas pinili na niya ang Fedra sa Rosalinda for perso­nal reasons daw.

Source: Abante