|
|
| Katrina, biktima ng video scandal?![]() Author: Jojo Gabinete SUNUD-SUNOD ang mga red carpet premiere ng mga pelikula na kalahok sa 2008 Metro Manila Film Festival. Noong Biyernes, nagkaroon ng premiere night sa SM Megamall ang Desperadas 2 ng Regal Entertainment Inc. Dumalo sa red carpet premiere ng Desperadas 2 ang lead cast, sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera at Ogie Alcasid. Naging mabenta si Rufa Mae Quinto sa mga TV reporter dahil sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa split-up nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Itinanggi ni Rufa Mae ang balita. Pinabulaanan din niya ang kumakalat na tsismis na may “video” sila ni Hayden. Hindi lamang si Rufa Mae ang sangkot sa split-up nina Dra. Belo at Hayden. Damay rin ang pangalan ni Katrina Halili. Tulad ni Rufa Mae, itinanggi rin ni Katrina ang “video scandal” issue. May mga nagsalita na naiintindihan nila ang denial nina Rufa Mae at Katrina tungkol sa video scandal issue dahil wala talaga silang alam. Hindi nila alam na palihim sila na kinunan ng video? Sa madaling-salita, kung totoo nga ang video scandal na ito, mga biktima sila ng deceit at betrayal of trust? Ginastusan nang husto ng Regal Entertainment Inc. ang Desperadas 2. One hundred thousand pesos ang ibinayad ni Mother Lily Monteverde sa renta ng helicopter na ginamit sa dalawang eksena ng pelikula. Sinabi ni Mother Lily na hindi siya nanghihinayang na gumastos nang malaki para sa ikagaganda ng official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival. The following night, Saturday, ang Shake, Rattle & Roll X ang nagkaroon ng red carpet premiere sa Megamall Cinema 3. Tatlo ang episode ng Shake, Rattle & Roll X, ang Emergency, Class Picture at Nieves. Si Topel Lee ang direktor ng Class Picture at si Mike Tuviera ang direktor ng Emergency at Nieves. Pagkatapos ng screening, nagkaroon ng survey sa entertainment press. Tinanong sila kung alin sa tatlong episode ang kanilang nagustuhan. Winner ang Class Picture at runner-up ang Nieves. Kasabay ng red carpet premiere ng Shake, Rattle & Roll X ang premiere night ng Baler, ang official entry ng Viva Films sa MMFF at ng Magkaibigan ng Maverick Films sa SM North Cinema. Kagabi ang red carpet premiere ng Iskul Bukol...20 Years After sa Cinema 9 & 10 ng SM Megamall. Mamayang gabi ang premiere screening ng One Night Only, ang official entry ng Canary at Octoarts Films sa 2008 MMFF. Mga bida sa One Night Only sina Diana Zubiri, Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi. Love Me Again ang final title ng unang movie team-up sa Star Cinema nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Unang nagkapareha ang dalawa sa Lobo, ang pinakamabili na teleserye sa video. May 12 volumes ng DVD ang Lobo at 60,000 units na nito ang nabebenta. Ang Love Me Again ang comeback movie ng direktor na si Rory Quintos. Three years old na ang huling movie project ni Rory sa Star Cinema, ang Dubai na pinagbidahan nina Aga Muhlach, Claudine Barretto at John Lloyd Cruz. Sa presscon ng Love Me Again, sinabi ni Rory na karangalan sa kanya na makatrabaho sina Angel at Piolo na itinuturing niya na mga finest actor ng bansa. Kinunan sa Bukidnon, Mindanao at Darwin, Australia ang mga eksena ng Love Me Again. Sa January 15, 2009 ang playdate ng Angel-Piolo movie, pero nagkaroon na ito ng world premiere sa Los Angeles, California noong December 6, 2008. Source: Abante |