|
|
| Katrina, enjoy sa bagong BF![]() Author: Vinia Vivar Basta nag-e-enjoy sila sa company ng isa't isa and at the same time, exclusively dating sila. Although madalas ay wala sa bansa si Kris at laging nasa U. S. , okay lang kay Kat ang long distance love affair. Pero sa Pasko, say ng isa sa bida ng One Night Only, ay nandito ang boyfriend at sabay silang aalis papuntang U. S. Mabait at thoughtful daw si Kris, sabi pa ni Katrina. Marami raw silang ugali na pareho kaya nagkakasundo sila. Pati nga raw sa food ay pareho sila ng gusto. Aminado rin si Kat na very happy siya ngayon and she deserves it after all dahil isa ang young actress sa may pinakamabuting kalooban sa show business. Kung nakikita man natin siyang kontrabida sa mga programa niya, kami na ang nagsasabing sobrang kabaligtaran ito ng tunay niyang pagkatao. Anway, ang One Night Only ay una sa dalawang pelikulang pinirmahan ni Kat sa OctoArts Films at official entry sa Metro Manila Film Festival this Decemeber. Kasama niya sa movie sina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Diana Zubiri, Alessandra de Rosi, Paolo Contis, Ricky Davao at Joross Gamboa. Ang susunod niyang gagawin sa OctoArts ay ang solo movie niya na Miss X na kukunan sa Amsterdam. Tatapusin lang niya ang promo ng One Night Only and by next year ay baka raw lumipad na sila sa Netherlands. * * * Hindi namin alam kung seryoso o nagbibiro si Alessandra de Rossi nang sabihin niya sa presscon ng One Night Only na hindi na siya virgin. "Totoong virgin ako pero kagabi, hindi na. Kagabi lang," she said. Hindi na na-follow-up ang question dahil feeling ng iba ay isa na naman ito sa playtime ng aktres. Ang isa pang nakakaaliw na sagot ni Alex ay nang tanungin siya kung totoong hindi siya ang original choice for her role sa nasabing movie. "Ang alam ko, akin na talaga ang role na ito two years ago pa. Pinalitan ako, ewan ko kung bakit, dahil siguro sa laos na ako, pero nagkataong hindi pumuwede 'yung mga pinalit, so, ibinalik sa akin. " Nang hiningan sila ng parting shot, humirit pa ang aktres ng "Thank you sa OctoArts dahil ibinalik nila sa akin ang role. I deserve it". Nagtawanan ang lahat. But actually, aminado naman si Alex na hindi nga raw niya alam kung bakit siya napasama sa movie samantalang pagkase-sexy ang mga babaing kasama niya. Siya lang daw ang walang boobs kaya nahihiya siya. "Sa pictorial nga namin, na twalya lang ang nakabalot sa amin, sila, may mga cleavage, ako wala. Parang turtle neck," say niya. Sa kanyang love life, wala pa raw siya ulit bagong boyfriend at okay lang sa kanya dahil mas concentrated siya ngayon sa kanyang career. * * * Sa pagpapatuloy ng kwento ng Your Song Presents My Only Hope, hindi maka-paniwala si April (Kim) na hiniwalayan na siya ni Keeno (Gerald). Makikita ni April na magkasama si Keeno at si Ashley (Nina Jose), ang twin sister ni Jessie kaya naman iisipin ni April na nakikita ni Keeno ang katauhan ng kanyang dating kasintahan sa kakambal nito. 'Di inaasahan ay makikilala rin ni Ashley si Jhun (Enhong Dee). Abangan ang mga eksenang ito ngayong Sunday pagkatapos ng ASAP 08. Source: People's Tonight |