|
|
| Katrina gold-digger at bayarang babaeAuthor: Tonee Coraza ABA, sosyal talaga si Katrina Halili dahil siya ang unang featured artist sa pinakabagong drama specials ng GMA sa primetime. Ito ang Obra (Thursday nights kapalit ng Nuts Entertainment na mapupunta naman sa Sabado) kung saan apat na iba't ibang challenging characters (taong-grasa, magkaaway na kambal, golddigger at bayarang babae) ang gagampanan niya sa loob ng apat na linggo. Apat na na magagaling na director din ang hahawak sa kanya namely Direk Joel Lamangan, Maryo Delos Reyes, Bibeth Orteza at Jun Lana. Siya na nga ang next important star ng GMA after Marian Rivera sa mga female artists ng Kapuso. No wonder kinaiinggitan siya nang husto at bino-boycott ng ibang artists tulad na lang sa pag-pullout ng Star Magic talents na sina Angelica Panganiban, Roxanne Ginoo at Die-ther Ocampo sa kanyang MMFF entry One Night Only ng Octoarts Films. Kinumpirma nga ni Katrina ang pag-backout nina Angelica, Roxanne at Diether sa pelikula niya at wala raw siyang magagawa kung ayaw siyang makasama ng mga ito. Maski naman daw siya, puwede siyang tumanggi sa isang proyekto kung ayaw niya ang makakasama niya. Kumbaga, ang pina-nanaig niyang prinsipyo ay "kung ayaw niyo sa akin, eh, mas ayaw ko sa inyo!" Valerie Concepcion is still in One Night Only kasi hindi naman ito Star Magic kundi kay Becky Aguila. Sa palagay naman namin ay madali lang na ma-replace ni Boss Orly ang mga nag-backout sa mo-vie. After all, marami pa diyang ibang artista na equally sexy at talented na walang trabaho! * * * For the nth time ay ni-launch na naman ang Channel 5 na ngayon ay tatawagin nang TV5 at hindi na ABC5. Nilinaw ng CEO ng TV5 na si Christopher Sy na wala raw takeover ng Malaysians na nangyari sa TV5. Si Tony Cojuangco pa rin daw ang may-ari ng ABC5 network at pumasok lang daw ang MPB Primedia, Inc. , para hawakan ang primetime shows ng TV5 as a blocktimer. Ibang choice ang ino-offer ng TV5 sa viewers sa primetime. Kung ang dalawang giant networks ay nag-concentrate sa mga teleserye sa kanilang primetime block, ino-offer ng TV5 ang iba't ibang klaseng shows para may mapagpiliian ang viewers tulad ng Reality (My MVP, Phils Scarriest Challenge, Hush Hush), Teen (Lipgloss, Rakista), Dating Game (MysMatch), Horror (Midnight DJ), Talent shows (Talentadong Pinoy), Drama (Chicklit), Magazine (3R) at local and foreign blockbuster movies five times a week! Reyna pa rin si Lucy Torres sa kanyang Shall We Dance with new hunk co-hosts Victor Basa and Jon Avila. Nanghinayang naman kami at nawala na ang Wow Mali ni Joey de Leon na longest running show pa naman sa ABC5. Pero may ipinalit naman ang TV5 na OgaGs (na pagbibidahan ng Brazillian beauties) at Lokomoko. Huwag namang sabihin na tambakan lang ng mga walang projects na talents ng ABS-CBN at GMA ang TV5. Kasi in fairness bahagi na rin ng TV5 sina Ryan Agoncillo, Paolo Contis, Valerie Concepcion, TJ Trinidad, Jomari Yllana. Iya Villana, Bayani Agbayani at marami pang iba. Nagpabongga nga ang TV5 sa launching nito at namigay sila ng mga ipods at cash prizes na P3k, P5k, P10k, P20k at P30k totaling P150k cold cash! Aba talbog pa ang mga major TV networks! Source: Taliba |