|
|
| Katrina, hindi nagugutom para mag-show sa club!![]() Author: Rey Pumaloy DISAPPOINTED si Katrina Halili sa ipinataw na parusa kay Hayden Kho ng PMA o Philippine Medical Association. Base sa desisyon, dalawang taon lang ang suspensyon na ibinigay kay Hayden ng naturang grupo. Sa pakikipagtsikahan namin sa manager ni Katrina na si Omar Sortijas, ipinagdiinan nito na disappointed sila, lalo na ang kanyang alaga sa desisyon ng PMA. Sabi ni Omar, hindi nila inaasahan na ganun lang ang magiging resulta sa ipinaglalaban nila. Pero, sabi raw ni Katrina, ipinauubaya na niya sa Diyos ang kapalaran ng kaso niya. Sabi nga ni Omar, dumating na si Kat sa punto na ayaw na niyang magsalita pa tungkol sa kaso nila. Alam naman daw ng lahat ng tao kung ano ang sinapit niya sa kuko ni Hayden. Sa ngayon, nabubuhay raw at patuloy na lumalaban si Katrina, dahil na rin sa mga taong sumusuporta sa kanila. Natutuwa raw sila at marami pa ring tao ang nagbibigay ng reaksyon at opinyon tungkol sa hatol ng PMA kay Hayden. Marami nga raw ang hindi pabor na ganun lang ang iginawad na parusa kay Hayden. Anyway, umaasa ang kampo ni Katrina na magiging pabor sa kanila ang magiging resulta ng PRC o Philippine Regulation Commission. Sabi nga ni Omar, inaasahan nila na mababawian ng lisensiya sa pagka-doktor si Hayden. Iginiit nila na maraming pruweba silang naipakita para mawalan ng lisensiya si Hayden. Ipinagkibit-balikat na lang ni Omar ang tsismis na may mga maiimpluwensiyang tao na gumagalaw sa likod ni Hayden. Mas makabubuti raw sa kanila na huwag na lang patulan ang kuwentong `yon, pero patuloy raw ang gagawin nilang paglaban. Ikinuwento ni Omar na hanggang ngayon ay nagkukulong pa rin sa kanyang bahay si Katrina. Hindi raw ito lumalabas, puwera na lang kapag may trabahong dapat puntahan. Sabi ni Omar, mas maganda nga raw ang ginagawa ni Katrina ngayon na palagi lang itong nasa bahay. Mas ligtas nga raw ito sa kuko ng mga taong nais siyang kutyain. “Mas lalong dapat mag-ingat ngayon si Katrina, kasi nga hindi na masyadong napag-uusapan ang kaso niya o 'yung issue niya. “Unlike dati na talagang pinag-uusapan kaya ilag ang sino mang nagnanais na gawan siya ng masama,” sambit pa ni Omar. Nilinaw na rin ni Omar ang tsismis na kesyo nagsu-show na lang sa club si Katrina, dahil kapos na ito sa pera. Inamin niyang may imbitasyon kay Katrina ang isang sikat na club, pero hindi raw para mag-show, kundi para mag-cut ng ribbon. “'Yung fashion week nga ng Bench, tinanggihan namin dahil hindi pa kaya ni Kat ang mag-two piece sa harap ng mga tao. Tapos, tatanggap pa kami ng show sa mga club? Ano 'yun? “Okey pa naman ang finances ng alaga ko. Sa pinagdaanan ng alaga ko, sa palagay ninyo kaya papayag siya na maglabas ng katawan sa club? Hindi naman sa minamaliit namin ang club, kasi kung ganun ang tingin namin, 'di sana hindi na namin pinuntahan 'yon para mag-cut ng ribbon. “Ang hindi lang kaya ni Katrina ay ang mag-show na naka-bikini sa club,” sabi na lang ni Omar. Kunsabagay, hindi pa naman nagugutom si Katrina, at marami pa naman siyang trabaho sa showbiz, para patulan niya ang mag-show sa club. Source: Abante |