Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina ikukulong sa iskaparate

Katrina ikukulong sa iskaparate

Author: Veronica R. Samio
Column: Sanga-sangandila

Dalawa muna pero, lima ang nakatakdang gawing movie ni Katrina Halili sa ilalim ng OctoArts Films. Pumirma ng kontrata sa nasabing kumpanya ang pinakaseksing babae sa bansa kasabay ang launching ng dalawang movie with their respective directors.

Una sa dalawang pelikula ang One Night Only, isa sa walong entry sa '08 Metro Manila Film Festival Philippines. Ididirihe ito ni Jose Javier Reyes.

Isang romantic comedy ang One Night Only na magaganap sa buhay ng 24 na characters  na pare-parehong magtsi-check in sa isang hotel sa loob lamang ng isang gabi. Gagampanan ni Katrina ang role ng mistress ng isang congressman (Ricky Davao). Ang iba pang nakatakdang makasama sa movie ay sina Iwa Moto, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Paolo Contis, Joross Gamboa at marami pang iba.

  Ang ikalawang movie ni Katrina sa OctoArts ay ang Miss X na ididirihe ni Gil Portes. Unang napanood ito 28 taon na ang nakakaraan at ginampanan ni Vilma Santos. Kukumbinsihin ito na gumanap sa isang cameo role  sa remake ng pelikula na sa Amsterdam din ang location. Magsisimula ang official photography nito late October o early November para sa February release.

 Ang Miss X ay tungkol sa trafficking ng Asian women sa Amsterdam. Istorya ito ng isang babae na kung tawagin ay Oriental porno princess in Amsterdam. Magkakaroon dito ng eksena si Katrina na kung saan ay ilalagay siya sa isang iskaparate kasama ang mga prostitutes. Nung si Vilma ang gumanap dito ay halos himatayin ito sa nerbyos.

 Lumabas din ang boobs niya sa nasabing eksena na naging isang malaking isyu nun.

 Sinabi ni Katrina na may isang movie pa na natitira sa kanyang kontrata sa Regal pero ayon sa abogado niya ay wala itong magiging problema dahil lumampas na sa panahong itinakda ng kontrata.

 "Pero, gagawin ko pa rin ang pelikula kung gugustuhin ng Regal," sabi niya.

 Sa tanong naman kung bakit siya sa OctoArts pumirma ng kontrata at hindi sa GMA, sinabi niyang "Wala naman silang offer sa akin. "

* * *

  Matapos ang isang linggong kuro-kuro kung sino kina Miguel at Bea ang makakakuha ng suporta mula sa publiko ay naihayag na ang sagot nang mapatawan ng expulsion mula sa Academy si Bea. Siya ang 2nd Scholar na na-expel ng publiko. Matapos magpaalam ni Bea ay ang pag-anunsyo naman ng bottom four na binuo nina Bunny, Miguel, Christian at Iñaki. Pero, iniligtas ng mga Mentors at Scholars sina Miguel at Bunny. Isa naman kina Christian at Iñaki ang magpapaalam sa Academy sa  Sabado.

Para suportahan ang inyong paborito ay i-text lang ang PDA space INAKI o PDA space XTIAN sa inyong mga cellphones at i-send sa 231 para sa Smart, Talk & Text at Addict Mobile subscribers at 2331 naman para sa Globe, TM at Sun subscribers.

Maaari rin kayong bumoto online sa www. pinoydreamacademy. com. ph.

* * *

Napanood na ang  pinakaaabangang performance ni Charice Pempengco sa Oprah kahapon ng gabi, July 23 sa Studio 23. Natunghayan ang makapanindig balahibong pag-awit ni Charice ng I Have Nothing ni Whitney Houston kung saan lubos na namangha ang mga studio audience at nagbigay pa sa batang diva ng standing ovation. Kasama niya sa naturang episode ang iba pang mga gifted at talented na mga kabataan sa iba't ibang larangan.

Bago pa man lumabas sa Oprah ay pinabilib na rin tayo ni Charice sa kanyang natatanging pagtatanghal sa Ellen, The Paul O' Grady Show at Star King sa Korea. Naghahanda ngayon si Charice para sa nalalapit na pagtanghal sa Italy sa birthday concert ng European Pop Tenor na si Andrea Boccelli.

* * *

veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star