Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina ipinakilala na sa parents ng dyowa

Katrina ipinakilala na sa parents ng dyowa

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

Hindi na pinapansin ni Katrina Halili ang mga intriga ibinabato ni Dr. Hayden Kho dahil nasabi na niya lahat ng kanyang panig.

Ang ayaw lang ni Katrina kay Dr. Hayden ay nang sabihin nitong "for fun" lang ang nangyari sa kanila.

Hindi raw dapat sabihin ito ng isang lalaki.

Buti naman at naging maunawain ang boyfriend ni Katrina na si Kris Lawrence.

Tutal naganap naman ang relasyon nina Katrina at Hayden nang wala pa siya sa buhay ni Katrina.

Ipinakilala na ni Kris si Katrina sa kanyang mga magulang sa Las Vegas .

Pero, hindi ibig sabihin daw nito ay pakakasal na silang dalawa.

Malayo pang mangyari ito dahil nasa kasagsagan pa ng kanyang career si Katrina.

Bida siya sa soap na Gagambino at partner siya ni Dennis Trillo.

* * *

NA-MEET namin si First Gentleman Mike Arroyo recently.

Masaya siya habang kasama ang dalawang anak na lalaki na sina Reps. Mikey at Dato.

Kita namin ang closeness ng pamilya niya sa isa't isa kahit wala sina President Gloria Macapagal Arroyo at daughter Luli.

Kasama sa grupo ni FG ang kanyang mga apo at iba pang kamag-anak na parang reunion of sort.

Sa casual interview namin kay FG, nasabi niyang focused ang First Gentleman Foundation ngayon sa mga doktor na pinag-aaral nila sa University of the Philippines-Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang mga scholar ni FG ay pawang deserving students na na-screen bago binigyan ng financial benefits sa kanilang pag-aaral.

Kinukuha nilang estudyante ay 'yung nasa medical proper, ibig sabihin, tapos na ng compulsory 4-year course sa college na karamihan ay related course sa Medicine, tulad ng BS Biology, BS Psychology o BS Chemistry at iba pa.

Ayon sa FG Foundation head na si Juris Soliman, tinutulungan nilang medical scholar ay iyong galing sa low income group family, pero deserving dahil mataas ang kanilang scholastic records.

Ang mga scholar ni FG ay compulsory na pagkatapos niyang mag-aral at ma-ging ganap na doktor, kai-langan na maglingkod sa anumang pagamutang pamba-yan at two years na magsisilbi sa mga Pilipino.

Kadalasan, sila'y magi-ging barrio doctor, tulad ni Senator Juan Flavier.

Ayon pa kay Ms. Juris, ang barrio doctor ay may suweldong hanggang P30,000 per month.

Sa ngayon, may 60 barrio doctors nang umiikot sa buong Pilipinas.

Target ng FG Foundation ay maging 100 doctors na ito.

Kasalukuyang nakakalat ang mga barrio doctor sa 5th at 6th class municipality sa bansa.

Napaka-remote ng lugar na talagang walang anumang doktor na nakararating.

Sa pag-iikot ni FG sa Pilipinas ay nakita niya ang kakulangan ng mga doktor sa remote barrios na ito kaya dito siya nagku-concentrate ngayon.

Bukod dito'y bukas din ang kanyang foundation sa mga taong may sakit na kailangan na ipagamot.

Ayon kay Ms. Juris, sa kampanya ng FG Foundation para sa mga batang may hydrocephalus ay halos zero na ngayon ang kapansanang ito sa bansa. Halos lahat ng may ganitong bata ay kanyang napa-operahan sa Philippine General Hospital.

Ang FG Foundation ay bukas sa lahat ng maysakit nating mahihirap na kababayan , magtungo lamang sa FG Foundation office sa LTA Building, Perea St. , Makati City.

* * *

NANAHIMIK lang si Dingdong Dantes sa isyu nina Marian Rivera at Karylle.

Gentleman kasi siya at ayaw niyang masabit sa usa-pan ng dalawang babae.

Pero, kahit ganoon ang nangyari ay magkaibigan pa rin silang dalawa ni Karylle.

Kaya hinuhulaan ng marami na puwede silang mag-kabalikan.

Sa parte naman ni Marian, si Dingdong pa rin ang pinakamalapit na actor sa kanya dahil siya ang partner niya sa bagong soap na Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Dahil sa wholesome ang image ni Dingdong, lalo pang dumarami ang kanyang endorsement.

Ang latest na kumuha sa kanya ngayon ay ang Goldilocks.

Mula sa damit at alak ngayon ay pagkaing pambayan naman tulad ng Goldilocks.

* * *

NAMAMAYAGPAG pa rin ang Bubble Gang sa kanyang timeslot tuwing Friday night after telebabad ng GMA 7.

Kasi ba naman walang sawang tawa at halakhak ang dulot ng gag show.

Sa pagpasok ng bagong taon, gawing habit ang panonood ng longest-running at walang-kaparis na gag show ng buong bansa -- ang Bubble Gang!

Talagang hindi paawat sina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Maureen Larrazabal, at Boy 2 Quizon sa paghahatid ng saya sa kanilang mga tapat na televiewers.

* * *

NGAYONG gabi sa Luna Mystika ay lalo pang nagi-ging kumplikado ang buhay ng kambal na sina Luna at Celestina.

Pero ngayong gabi ay tungkol sa buhay naman ni Aljur Abrenica bilang si Libado ang tatalakayin.

Nasugatan si Libado sa pagkuha ng patalim ni Alguwas.

Magkikita sina Celestina at Kamilo. Mapag-uusapan ang solar eclipse at prutas ng Limer.

Parurusahan ni Alguwas si Kamilo, magiging part ng puno si Kamilo.

Magde-date sina Luna at Dexter. Makakawala na si Diana sa kakahuyan.

Magkaka-amnesia siya.

Source: Taliba