|
|
| Katrina, isasabong kay Marian sa 'Darna'!![]() Author: Rey Pumaloy SINA Dennis Trillo, Yasmien Kurdi, Rochelle Pangilinan, Katrina Halili at Regine Velasquez daw ang sabi-sabi na idadagdag na mga bagong artista sa Darna, na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Sabi nga, ngayon pa lang ay inaasahan na mas tataas ang ratings ng Darna sa sandaling pumasok na ang mga naturang artista. Anyway, hindi pa sure kung anu-ano ang role na gagampanan nina Dennis, Yasmien, Rochelle, Katrina at Regine. Pero, sigurado raw na mas magiging exciting ang mga magaganap sa Darna. Sa pakikipagtsikahan namin kay Omar Sortijas, ang manager ni Katrina, kinumpirma niya na pagkatapos ng “Rosalinda”, ang pagti-taping ng Darna ang agad na susunod na gagawin ni Katrina. Kailan lang daw kinausap si Omar ng isa sa mga big boss ng GMA 7 para sa pagpasok ni Katrina sa Darna. At nu'ng malaman daw ni Katrina na ipapasok siya sa Darna, hindi na raw ito tumutol at um-oo agad. “Sa sitwasyon ni Katrina ngayon, kailangan niyang magbayad ng kanyang mga bills, alam niyang dapat siyang magtrabaho at kumita,” Sabi pa ni Omar. Wala pa raw ideya si Omar kung ano ang magiging role ni Katrina sa Darna. Pero, ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na ni Katrina ang pagpasok niya sa Darna. Katunayan, desidido itong magpapayat nang husto, para raw kung sakaling pagsuutin siya ng seksing costume ay hindi siya mapahiya. Handa raw si Katrina na magsuot o gumanap na black Darna. At gusto nga raw ni Katrina na maging katakam-takam ang itsura niya kung sakaling isuot niya ang costume na `yon. Ayaw na raw niyang mangyari pa `yung nangyari noon na nagsuot siya ng costume ng black Darna sa Darna na pinagbibidahan ni Angel Locsin, na labas ang lahat ng bilbil niya. Anyway, hindi kataka-takang maulit ang intriga sa pagitan nina Katrina at Marian. “Naku, expected na 'yan ni Katrina pero sa kanya, balewala 'yon.?Wala namang isyu sa kanila ni Marian! Ang focus ni Katrina ngayon ay magtrabaho ng bonggang-bongga!” sabi ni Omar. Samantala, ipinagdarasal ng kampo ni Katrina na matuloy ang pagdalo ni Katrina sa International Emmy Awards sa New York. Nominado nga ang Magdusa Ka na bida si Katrina sa Emmys. Source: Abante |