|
|
| Katrina, laylay na ang taba sa katawan!![]() Author: Ruel Mendoza HINDI na nga maitago ang katabaan ni Katrina Halili. Sabi nga, namumutok nang husto ang balakang niya at may bilbil na siya sa kanyang likuran. Noon kasi ay wala kang makikitang lumalaylay na taba sa katawan ni Katrina kapag nagsuot siya ng mga seksing damit. Sa panayam namin kay Katrina, sinabi nito na napabayaan niya ang kanyang sarili dahil sunud-sunod ang naging trabaho niya. Nagbakasyon kasi ng matagal si Katrina kaya wala raw siyang ginawa kundi ang kumain at matulog. Hindi kaya na-depress siya kaya siya tumaba? “Bakit naman ako madi-depress? Wala namang ganun. Nagkataon lang na tinamad akong mag-exercise at napakain ako ng sobra. Like noong mag-taping kami sa Dakak for Dear Friend, ang sarap kumain. “At saka, ang ganda ng lugar, 'di ba? Kaya in-enjoy ko ang bakasyon ko pero may kasamang work iyon. Walang reason para ma-depress ako. Masaya ako ngayon kasi marami akong friends na nandiyan parati for me.” Inamin nga ni Katrina na hindi na siya pumupunta sa Belo clinic pagkatapos ng matinding kontrobersya sa kanya. Balita ngang may bago siyang ie-endorse na pampapayat kaya nagpataba ito para mapatunayan kung effective ang magiging endorsement niyang ito. “Hindi na ako pumupunta sa Belo. Tapos na 'yon at wala naman akong kontrata with them. I am moving on na with my life. And regarding doon sa may ie-endorse daw ako, hindi pa sure 'yon.” Naikuwento nga ni Katrina na ang mga bago niyang endorsements ay ang Bench at Kawasaki. “Lagi naman akong nagdarasal para sa career ko. Alam ko na medyo bumabagal ulit pero positive pa rin ako. Nakakagulat nga na may biglang may kumukuha sa akin. Nagpapasalamat ako kay God kasi blessing ito. Magandang sign for me.” Wala raw munang lalaki si Katrina. Ayaw na raw muna niyang masaktan at umiyak. Trabaho raw muna siya ngayon. “Hindi naman sa ayaw ko, 'no! Ha! Ha! Ha! Ha! “Kailangan ko rin ng inspirasyon kahit papa'no. Hindi na lang sila priority. May listahan na akong ginawa at nasa bottom ng list ko ang boys. Marami akong gustong gawin. Kaya dapat magsipag ako. Kaya mga boys hindi sila nawawala totally, nasa ilalim lang sila talaga ng listahan ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” Source: Abante |