Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina, libu-libo ang gastos kay Kris!

Katrina, libu-libo ang gastos kay Kris!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

GASTADORA at all-out si Katrina Halili sa datung makausap lang ang ka-MU (mutual understanding) niyang Fil-Am singer na si Kris Lawrence na madalas nasa abroad.

“Hindi lang isa o dalawang libo sa isang araw ang nagagastos niya sa cellfone, internet at kung anu-ano pang hi-tech na paraan makausap at makita lang si Kris! Super in love ang lola mo kaya pagbigyan na lang natin ang kaligayahan niya!” kuwento sa amin ng taong malapit sa kanya.

Eh, hindi rin kasi masyadong tight ang sked ni Katrina sa work kaya marami siyang oras para kausapin si Kris.

“Korek! Kaya kering-keri niyang makipag-usap nang matagalan. Kiber ba niya kung gumasta siya ng libu-libo, eh, pera naman niya 'yon, huh! Hindi naman maibibigay ng trabaho ang kaligayahang nadarama niya ngayon!” dagdag pa ng source namin.

Hindi naman dini-deny ni Katrina na nasa getting to know stage pa rin sila ng singer. Hindi na nga lang siya nag-inarte pa nang makalapit niya ito at nag-swak agad ang ugali nila.

Eh, ang chika pa sa amin, kung wala lang festival entry si Katrina na One Night Only, baka doon na siya sa Amerika mag-Pasko. After all, naipakilala na siya ni Kris sa parents niya, huh!

Pero the last time na makausap namin ang sexy star, baka sa Amerika siya mag-spend ng New Year with Kris!

Kaloka rin pala ma-in love si Katrina, huh! Mabuti na lang, walang tsismis sa kanyang napapabayaan ang trabaho dahil sa lovelife!
***

Bongga ang grand prize na ipinamigay ng PLDT kaugnay ng Christmas Party nila sa entertainment press last Monday. Isang Mac Book laptop na top of the line ang pinanalunan ni Ogie Diaz, bukod sa dalawang premyo pa niyang naiuwi, huh!

Ang Christmas party ng PLDT ay paraan ng pasasalamat ng kumpanya sa mga promo events ng company gaya ng launching ng PLDT My DSL, PLDT Landline Plus at 'yung araw-araw na pinara-raffle nila sa Eat Bulaga na laptop.

Pagdating kasi sa kanilang mga produkto, nangunguna talaga ang PLDT kaya naging maganda ang biyaya sa kumpanya nitong 2008.

Eh, lalo na ngayong hi-tech na ang karamihang gamit, nagpa-raffle rin ng wireless landline, e-roam, laptop na notebook, i-pod, cash at budget card with matching USB sa party.

Ang bagong pakulo ng PLDT ngayon ay ang pagpapakabit ng DSL na puwedeng ang buyer mismo ang mag-install at go lang kayo sa SM North EDSA at SM Mall of Asia dahil after paying P990, take home na ninyo ang DSL kit ninyo!

Source: Abante