|
|
| Katrina, lilikha ng iskandalo sa Emmy Awards!![]() Author: Rey Pumaloy Ngayon pa lang, nag-iisip na ng drama/eksena/iskandalo si Katrina Halili, kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na makadalo sa International Emmy Awards sa November. Nominado nga ang pinagbidahan niyang Magdusa Ka sa GMA 7 sa International Emmy Awards. Pag-amin ni Katrina, alam niyang magnu-nosebleed siya sa pagsasalita ng English kapag na-interview siya roon. Eh, aminado naman siyang hindi siya mahusay sa English. At kapag nahirapan na raw siyang magsalita ng English, idadaan na lang daw niya sa pag-iyak. Alam daw niya na hindi sanay ang mga foreign correspondents sa mga ganung eksena, at baka raw `yon ang maging dahilan para pagkaguluhan siya, at magkaroon pa ng offer sa Amerika. Anyway, sa sobrang excitement na nararamdaman ni Katrina, matinding pagda-diet na ang ginagawa niya ngayon. Aminado si Katrina na tumaba siya ngayon, at gusto raw niyang maging seksi sa event na `yon. Pero, bago ang gagawin niyang eksena sa Emmy, pinagdarasal niya na sana ay sagutin ng GMA ang pamasahe niya papuntang New York, at pati na hotel accommodations. Sabi ni Katrina, wala na raw siyang extra money na puwedeng gastusin sa pagpunta sa New York. Inamin ni Katrina na kailangan na niyang magtrabaho nang husto para sa mga panggastos niya sa bahay. Dapat daw ay may ipon siya na 300 hundred thousand pesos kada-buwan, dahil sa dami ng binabayaran niya. Umaabot daw sa one hundred fifty thousand pesos ang hulog niya sa bahay, at idagdag pa ang pambayad sa kuryente, household helpers, drivers at pati na sa grocery. Inamin ni Katrina na wala sa plano niya ang kumuha ng bahay dito sa Maynila, dahil plano niya na sa Palawan manirahan balang araw. Pero, na-realize raw niya na hindi niya kayang iwan ang showbiz. 'Yun nga lang, nagkataon daw na nu'ng kinuha niya ang bahay ay doon naman pumutok ang iskandalo sa kanila ni Hayden Kho, at nawalan siya ng trabaho. At halos lahat daw ng naipon niya ay nalimas na rin sa pagbabayad ng kung anu-ano. Anyway, maituturing na milagro raw ang nangyayari sa kanya ngayon, na kahit Rosalinda lang ang project niya sa GMA, ay nasu-survive niya ang mga problema niya sa pera. Malaking tulong daw ang pagsu-show niya sa iba't ibang probinsiya. Source: Abante |