|
|
| Katrina nagkokontrabida pa rin![]() Author: Master Showman Kuya Germs Tanggap na ni Sen. Bong Revilla ang gagawing pagpapakasal ng kanyang anak na si Inah next week. "Dalawang linggo bago ko natanggap ang nangyari. Isang linggo ko rin siyang hindi kinausap. Masyado akong na-disappoint sa mga nangyari. Hindi naman kami nagkulang sa kanya at maging sa mga kapatid niya ng pangaral at pagmamahal," kwento nito sa pagsisimula ng Bong Revilla Cup, isang paliga sa basketball na ang mga mamamahayag ang naglalaro. "Pakiusap ko lang sa kanya na magtapos siya ng pag-aaral niya at nangako naman siya. Nanghihinayang ako kasi matalino siya. Magiging masaya na ako kapag naihatid ko siya sa dambana," masayang kwento ng senador na okay na rin na maging lolo uli for the second time. "At least ako na yata ang pinakabatang lolo," biro niya. Hindi ko naman masisisi si Bong sa initial reaction niya. Buti na lamang at dalawang linggo lang tumagal ang paghihinagpis niya. Siguro na-realize niya na maaga rin silang nag-asawa ni Lani. At naging masaya naman sila. Kung magagabayan nila ang marriage ng kanilang anak na babae sa tulong na rin ng mga magulang ng kanilang magiging manugang, history will surely repeat itself. * * * Congratulations kay Regine Velasquez, maganda ang first episode ng Songbird niya nung Huwebes. Pagdating talaga sa kantahan, walang maaaring manguna sa kanya. Maganda ang produksyon, ginastusan ang set, ang costume niya. Parang nabitin lang ako, parang maikli ang show. Mukhang sinadya naman, para hindi siya masyadong ma-expose, at para rin siguro hanap-hanapin siya. Well, nagtagumpay sila dahil pati ako at ang mga sekretarya ko, I'm sure pati na rin si Shalala, ay mga nabitin. Kaya, aabangan namin ang next episode. * * * Hindi naman kataka-taka kung panonoorin ang Magdusa Ka. Okay naman palang bida si Katrina Halili, nakuha niya ang simpatiya ko. Magaling ding kontrabida si Iwa Moto. Nakakaagapay siya sa bida, tulad nung nakaagapay si Katrina kay Marian Rivera sa MariMar. Magaling dito si Dennis Trillo. Nagawa niyang maiangat ang kanyang sarili, siguro dahil maganda ang role niya, offbeat. Parang pinakamagandang role niya ito to date. Pero bago ko makalimutan, magaling din siya sa Blue Moon dahil pansin na pansin din siya kahit ang kaeksena niya ay ang mga magagaling na sina Eddie Garcia at Christopher de Leon. Naku ha, nakalimutan ko na unang nakita ang kagalingan niyang umarte sa Aishite Imasu. Come to think of it, magaling pala talaga siyang aktor. Nakalimutan ko pero naalala ko rin agad nang makita ko siya sa Magdusa Ka. * * * Napag-uusapan na rin lang ang Magdusa Ka, madalas palang makalimutan ni Katrina na siya ang bida sa teleserye at hindi kontrabida. Madalas siyang paalalahanan ni direktor Maryo J. delos Reyes na bawas-bawasan ang pagtataas niya ng kilay dahil baka sa halip na maawa ay magalit sa kanya ang mga manonood. "Mabuti na lamang at inaalalayan ako ni direk, nasanay kasi ako'ng kontrabida, pero I'm getting the feel of it. Unti-unti nasasanay ako. Mas madali palang magkontrabida kesa umiyak," pabiro niyang sabi. * * * Pinakamaikling kaso ng libelo siguro yung kay Lolit Solis. At least ngayon hindi na niya kailangang magising ng alas singko ng umaga para pumunta ng Maynila para sa isang alas otso y medya ng umaga na hearing. Nagpaka-totoo lang siya't 'di pinairal ang amor propio. Natanggalan din ng tinik si Vero Samio, dating editor ng section na ito. Biro mo nga naman kung kailan siya retirado na at saka pa siya na-libel? Eh 20 years siyang editor at never siyang nagkakaso ng ganito. Source: The Philippine Star |