|
|
| Katrina, namilipit sa sakit ng tiyan!![]() Author: Rey Pumaloy HINDI apektado si Katrina Halili kung nag-back out man sa One Night Only ang mga artista ng ABS-CBN na sina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, at Roxanne Guinoo. Sa totoo lang, sa tingin ko ay masaya pa nga si Katrina sa nangyari. “Siguro, hindi kasi ako nag-isip ng kung anu-anong negative tungkol sa kanila, kaya balewala lang `yon sa akin,” dugtong na sabi pa ni Katrina, ang bida sa Obra ng GMA 7. May mga nagsasabi na kaya raw nag-back out ang mga artista ng Channel 2 ay dahil si Katrina ang bida sa naturang pelikula. “'Yun ang narinig ko, na ang akala nila, ako ang bida. Eh, hindi naman po ako ang bida. Nagkataon lang na binigyan ako ng presscon ng OctoArts, bilang pa-welcome nila sa akin bilang contract star nila. “Noon pa naman, sinabi ko na agad na hindi ako ang bida roon. Siguro, na-misinterpret lang nila,” kuwento ni Katrina. Anyway, masayang-masaya si Katrina dahil sabay-sabay na dumarating ang mga trabaho sa kanyang harapan. Bongga nga si Katrina, dahil sa Obra ay apat na direktor ang hahawak sa kanya. 'Yun nga lang, dahil sa sObrang trabaho, tila nagiging masasakitin na si Katrina. Kamakailan nga ay namilipit siya sa sObrang sakit ng kanyang tiyan. Kuwento ni Katrina, konting oras pa lang ang pahinga niya, dahil sunud-sunod ang trabaho niya. Kulang na kulang din siya sa tulog. Source: Abante |