|
|
| Katrina, pinagha-handaan ni Marian!![]() Author: Ruel Mendoza PINAGHAHANDAAN na nga ni Marian Rivera ang pagpasok ni Katrina Halili sa Darna. Bale reunion daw nila ito after na magsama sila sa Marimar. Hindi pa raw alam ni Marian kung ano ang magiging role ni Katrina sa Darna, pero natutuwa siya at magkakatrabaho na naman sila ulit. “After Marimar kasi, nagkanya-kanya na kami ng work. Nagkaroon ng magandang TV shows si Kat at happy ako for her. Kaya itong sinabing magsasama ulit kami for Darna, natuwa ako kasi maganda ang rapport namin ni Kat. “Matagal ko ring hindi nakausap si Kat at sa pagpasok niya sa Darna, tiyak na magkakaroon kami ng maraming oras na mag-girl talk. Gusto ko ring malaman ang mga nangyayari kay Kat ngayon,” say ni Marian. Source: Abante |