Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina, proud na idinispley ang syotang si Kris! Dingdong, 'pamilya' na ang turing kay Marian?

Katrina, proud na idinispley ang syotang si Kris! Dingdong, 'pamilya' na ang turing kay Marian?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

PAULIT-ULIT na iti­nanggi ni Dingdong Dantes na magkasama sila ni Marian Rivera sa favorite place niya sa Tagaytay nu'ng araw ng mga patay.

“Favorite place ko 'yon, pero wala ako roon nu'ng November 1. I was there at a different time! Parati ako roon kasama ang pamilya ko!” sabi ni Dingdong.

Tanong namin kay Dingdong, pamilya na ba ang turing niya kay Ma­rian?

Sa halip na sumagot, tumingin lang ng diretso at makahulugan sa amin si Dingdong, kaya hindi na kami sumundot pa ng kasunod na tanong.

May relasyon na ba sila ni Marian?

“Wala! Kung anuman ang lumalabas na issue about us, she has nothing to do with it.”

Anyway, kahit hiwalay na sila ni Karylle, mahalaga pa rin ito sa kanya.

“We had so many good things together ni Karylle. She'll always be there,” sabi pa niya.

Anyway, panay nga ang pakiusap ni Dingdong na huwag na munang ungkatin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Karylle, lalo na at may pelikula sila nina Marian at Iza Calzado, ang One True Love.

“Basta I am always for the truth and at the end of the day, it will come out!”

Giit ni Dingdong, nasasaktan din siya sa mga paratang sa kanya nga­yon.

“Because of the fact na maraming different interpretations and I am not really divulging information at this point. Yes, sa sinasabi ng tao, very hurtful! Tatanggapin ko na lang 'yon! I will remain this way. It's better to keep that privacy!”
***

Puno ng tao ang UP Film Institute last Thursday night dahil sa palabas ang Walang Kawala ng DMV Entertainment, at dinirek ni Joel Lama­ngan.

First time raw nangyari 'yon sa venue, kaya kinailangang pumirma ng waiver ang mga producers na walang sagutin ang lugar kung sakaling magkaroon ng aksidente o anumang kaguluhan.

Hindi nakakabagot ang movie. Napaarte rin ni direk Joel ang mga artista lalo na ang ill-fated lovers na sina Polo Ra­vales at Joseph Bitangcol.

Tahimik ang audience kapag love scene nina Polo at Joseph. Hagalpakan ang maririnig kapag pasok ang dayalog ng karak­ter. Towards the end, pa­lakpakan ang lahat sa g­inawa ni Joseph kay Emilio Garcia.

Ang bilis-bilis nga ng pangyayari sa movie kahit na mga may predic­table na eksena. Nagulat na lang kami nang big­lang magbago ang texture ng movie sa parteng hinahabol na ni Emilio sina Polo at Joseph! Parang TV camera na yata ang ginamit sa pagsu-shoot ng eksena, huh!

Gayunpaman, kum­pletos rekados ang Wa­lang Kawala. Erotic at mapa­ngahas na nagpalabas ng kanyang nota ang baguhang si Marco Morales at boobs naman sa newco­mer na si Althea Vega.

Socially relevant din ang film na forte na ng director na si Joel Lamangan.
***

Proud na idinispley naman ni Katrina Halili ang rumored boyfriend niyang Fil-Am singer na si Kris Lawrence sa birthday party ni Lito Alejandria, business partner ni Allan K, sa Barrakz Bar.

Halatang masaya si Katrina sa muling pagtibok ng kanyang puso.

Namataan din namin ang ilang members ng Streetboys na mamang-mama na talaga ang da­ting. Present din ang ilang members ng EB Babes at Sex Bomb Dancers.

Solo flight naman ang dating South Border vocalist na si Duncan Ramos at San Miguel player na si Wesley Gonzales na kasosyo rin sa Barrakz.

Pagdating naman sa ground level ng bar, nandoon si John Lapus na super-drink sa ilang bisita habang nasa itaas naman ang kababati lang niyang si Joebert Sucaldito who chose to stay quiet.

Eh, ngarag na kami that Thursday night kaya sumimple kaming umalis together with Ma'am Malou Choa Fagar. Happy birthday, Lito.

Source: Abante