Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina, talbog kay Maricar

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

HINDI lang pala kami ang nagtanong ng "where is the body?" ni Michael Jackson matapos ang memorial service na talagang pinagpuyutan namin ang live coverage sa Kapamilya at Kapuso Networks.

Maging ang international TV host na si Larry King, nagbitaw din ng ganu'ng katanungan.

Ang isa pang katanungan at siguro 'di lang kami ang nakapansin, bakit tila maliit 'yung kabaong na dinala du'n sa memorial service, eh, ang tangkad ng King of Pop, ha?

* * *

NAPAKA-KONTRABIDA ng role ni Katrina Halili sa Rosalinda ng GMA-7.

Comment tuloy ng ilang viewers sa aming barangay, baka tuluyang makuha ni Dra. Vicki Belo ang simpatiya ng marami sa mga Pinoy na una nang nakisimpatiya kay Katrina.

Mabuti pa raw si Maricar Reyes, nakuha ang simpatiya at papuri ng halos karamihan sa mga utaw na mostly ay nakapanood ng sex video collection ni Hayden Kho, kahit ang role ni Maricar sa Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal? ay kabit o 'the other woman. '

* * *

FOR sure, madadagdagan pa ang comedy scenes sa rom-com ng Siyete na Adik Sa 'Yo sa pagpasok ni Eugene Domingo bilang nawawalang madir ni Jolina Magdangal at ex-wife ni Joey Marquez.

Tiyak na riot ang magiging tarayan scenes dito nina Eugene at Elizabeth Oropeza.

In fairness, nakakaadik talagang panoorin ang nasabing rom-com dahil kuwelang-kuwela ang mga dialogue at eksena ng lahat ng kasali sa cast.

* * *

KUWELANG-KUWELA rin ang episode ng Sharon sa Sunday, kung saan isa sa mga guest ay ang batikang singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey.

Wala pa ring kupas ang nanay ni Jaya sa pagpapatawa at pagkanta.

* * *

BUKAS, July 12, tuloy ang free medical service para sa entertainment press at kanilang relatives ng klinik ni Kuya Daniel Razon sa may UNTV EDSA near PhilAm Homes EDSA gate.

Kasabay nito ang free medical mission niya sa Payatas residents in cooperation with PMPC members.

Ayon sa radio-TV commentator, ang kikitain ng indie film niyang Isang Araw Lang ay mapupunta rin sa pagtulong sa kapuwa.

No, wala siyang intensyon na maging politician.

* * *

MARAMING nagtatanong kung mawawala na si Oyo Sotto sa TV5 at iiwan na ang suspense-comedy show na Midnight DJ. Natsugi kasi ang character nitong si Samboy sa isa sa mga nakaraang episode.

Pero, twist lang 'yon sa story for its season finale, dahil na-extend pa ang show ng another season. Kasama ni Oyo sa show sina Desiree del Valle, Jenny Miller at Joaqui Tupas.

Sa episode ngayong gabi na Mga Kaluluwa sa Pabrika, mga galit na kaluluwa ang magmumulto sa isang factory kung saan maghihiganti sila sa taong pasimuno ng kanilang tragic death. Alamin kung sino ang biktima sa istorya at kung paano lulutasin ng buong Midnight DJ team ang kasong ito mamayang 8 p. m. sa TV5.

* * *

LASTLY, happy birthday namin today, July 11. 'Yun lang and thank you.

Source: People's Tonight