|
|
| Katrina, tanggap ang pag-atras nina Angelica, Valerie at RoxanneAuthor: Gerry Ocampo WALANG kaartehan sa buhay kaya pinagpapala si Katrina Halili. Okey lang sa kanya nang tanggihan siyang makasama nina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion at Roxanne Guinoo sa launching movie niyang One Night Only ng OctoArts Films. "Totoo pong umatras sina Angelica, Valerie at Roxanne, pero hindi po ako nagagalit. May kanya-kanya po tayong dahilan at iginagalang ko po kung anuman ang kanilang dahilan," ani Katrina sa presscon ng Obra, na magsisimula nang mapanood sa August 14 sa GMA-7. Apat na director ang magdidirek sa apat na istoryang pagbibidahan ni Katrina — sina Maryo J. delos Reyes, Bibeth Orteza, Jun Lana at Joel Lamangan. All praises ang apat sa galing at pagiging professional ng dalaga. Magaan daw itong katrabaho, walang kaartehan sa katawan at madaling pagsabihan ng tamang gagawin. Sabi ni Direk Maryo: "Para siyang doll. 'Yun bang madaling ayusan, paartehin at magaang katrabaho, Hindi ako nagdusa sa pagdidirek sa kanya sa Magdusa Ka. "I like her. Kung siya at si Iwa (Moto), I prefer her kesa kay Iwa. Parang bata pa kasing umarte si Iwa unlike Katrina, may lalim ang pag-arte kahit kikay. Malayo pa ang mararating niya. Ang payo ko lang sa kanya, mag-aral. Kapag may pagkakataon, dapat din niyang pagtuunan ang pag-aaral," say pa ni Direk Maryo. * * * WALANG umuwing luhaan sa launching ng TV5 nu'ng Huwebes ng gabi. Nagkaroon ng raffle, pero may mga nagtampo, dahil ibinalik ang pangalan ng mga nabunot na. Dapat daw, hindi na isinama pa ang mga nanalo na para nagkaroon ng chance ang iba. Anyway, bongga naman ang mga naka-line-up na palabas. At dahil may Max movies sila, hindi na kailangan pang magpakabit ng cable ang viewers para makapanood ng bagu-bagong blockbuster films. Ang maganda pa sa TV5, puwedeng-puwedeng umapir ang kahit sino at mag-promote ang stars ng warring networks na ABS-CBN 2 at GMA 7. Actually, ang ilang artista ng Dos at Siyete na may show sa Singko ang nag-perform nu'ng launching nito sa C3 Events Place sa Annapolis, Greenhills. Source: People's Tonight |