Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina, target magka-acting award sa Miss X

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

ANG manalo ng acting award ang puntirya ni Katrina Halili this year at malaki ang chance niyang matupad ito sa Miss X, isa sa limang pelikulang gagawin niya sa OctoArts Films sa pinirmahang two-year contract.

Excited ito sa nalamang kakausapin si Batangas Governor Vilma Santos para mag-cameo role sa movie to be directed by Gil Portes. Ang aktres kasi ang original Miss X.

Uunahin gawin ni Katrina ang One Night Only na ididirek ni direk Joey Reyes at entry sa Metro Manila Film Festival. Excited ito na karamihan sa makakasama niya rito'y ABS-CBN stars gaya nina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Valerie Concepcion, at Diether Ocampo, para maiba naman daw ang katrabaho niya.

"No comment" at "walang offer" ang sagot ni Katrina kung bakit hindi sa GMA Films siya gumagawa ng pelikula na movie arm ng home studio niyang GMA-7.

Wala namang nakikitang problema si Katrina sa Regal kung saan may natitira pa siyang one movie sa four-picture contract na pinirmahan niya. Nag-expire ang kontrata niya na three movies lang ang kanyang nagawa, kung maghahabol si Mother Lily, payag siyang gawin ang isa pa niyang pelikula.

Pagsasabayin ni Katrina ang shooting ng One Night Only at taping ng Gagambino, ang next show niya after Magdusa Ka. Hindi nito alam kung paano aayusin ang kanyang schedule, dahil nakabitin pa rin ang pictorial niya for her coffee table book.

* * *

AYAW maniwala ng press people sa deklarasyon ni Diether Ocampo na "I am celibate," ilang buwan na. Pati ang inaming wala siyang love life, hindi binili ng press, pero totoo raw ito.

After Kristine Hermosa, wala pa siyang naka-relasyon at naghahanap siya nang makakasama sa buhay na maiintindihan ang ginagawa niya.

Non-showbiz friends ang kasama ni Diether sa pagsi-celebrate ng kanyang birthday noong July 19, sa Purple Feet Restaurant na nasa loob ng wine depot sa Makati.

Tumawag si Kristine na nasa Los Angeles that time to greet him, wala pa itong regalo at sabi ni Diether, "Kung nandito siya, 'yun sana ang pinaka-magandang gift sa akin. "

So far, ang pinakamagandang gift niya'y greeting card na galing sa isang nine-year-old cancer stricken kid ng Philippine Orthopedic Center na sarili nitong gawa at ibinigay nang dumalaw siya as part of K. I. D. S. Foundation commitment.

Regalo rin kay Diether ang patuloy na magandang review sa acting niya sa Iisa Pa Lamang. Nahihiya siya kay Gabby Concepcion, dahil siya ang napupuri at nakukumpara ang acting nila. Basta, para sa kanya, magaling ang actor at very professional.

* * *

DUMATING kahapon sina KC Concepcion at Richard Gutierrez mula sa Greece sa shooting ng For the First Time. Tiyak na maraming kuwento ang dalawa sa experience nila sa shooting sa Santorini at iba pang lugar sa Greece.

Tamang-tama ang dating ni Richard para sa Bench Denim & Underwear Fashion Show, bukas sa Araneta Coliseum. Inaabangan na kung magta-topless ang actor gaya sa huling fashion show ng Bench o mas magiging daring siya this time. Ang tiyak, magtitilian ang kanyang fans sa gagawin nito sa rampa.

Samantala, habang wala si Richard, dumalaw ang Asero Girls (mga kasama niya sa Codename: Asero) na sina Heart Evangelista, Bubbles Paraiso, Chariz Solomon, at Francine Prieto sa Philippine Orthopedic Hospital kahapon at tuwang-tuwa ang mga pasyente sa Children's Ward at Spinal Ward, dahil isa-isa silang nilapitan ng apat.

Halos maiyak si Heart sa awa sa mga pasyente at nag-lead ito ng prayer para sa kanila. May nilapitan itong pasyente at nag-pray sila together. Sobrang saya ng actress sa pagpunta niya sa hospital na nagsi-celebrate ng 30th National Disability Week.

* * *

SA Magdusa Ka, pinagtalunan nina Rod (Dennis Trillo) at Christine (Katrina Halili) ang narinig na alok ni Roland (Gabby Eigenmann).

May competiton sa pagitan ng Pearl Garments at sa bagong kompanya nina nina Olivia (Jackielou Blanco) at Gerry, subalit may mga sopresa ang Pearl Garments sa tulong ni Rod.

Sa gabing ihahayag ni Doña Perla ang bagong kompanyang itatayo nila ni Rod,may 'di kilalang babae na kumuha kay Junjun (anak nina Rod at Christine).

* * *

THURSDAY sa Kim Sam Soon, malalaman ni Cyrus (Mark Anthony Fernandez) na sinuhulan ng mommy niya si Kim ng P2 million na hindi nito tinanggap. Maririnig din nito ang pagtatapat ni Harvey (Wendell Ramos) kay Kim na mahal pa niya ang dalaga.

Masasaktan si Kim sa narinig na sinabi ni Cyrus na walang seseryoso sa kanya. May confrontation ang dalawa, dahil kay Harvey at magtititigan sila. Mauuwi ba ito sa halikan?

Source: People's Tonight