|
|
| Katrina, type dumalo sa Int'l Emmy Awards!![]() Author: Rey Pumaloy NATUWA nang husto si Katrina Halili sa pagkaka-nominate ng 'Magdusa Ka', ang sine-novela na ginawa niya sa GMA 7, sa International TV Emmy Awards. Ang 'Magdusa Ka' nga ang kaisa-isang show ng Siyete na na-nominate sa International TV Emmy Awards. Sabi ni Katrina, isang malaking biyaya `yon mula sa Diyos, matapos ang matinding problema na pinagdaanan niya. Sa ngayon, hindi pa sigurado ang kampo ni Katrina kung dadalo sila sa awards night. Pero, kung si Katrina ang masusunod, gustung-gusto niyang dumalo roon. Pag-amin ni Katrina, gusto niyang maranasan ang makihalubilo sa iba't ibang artista mula sa iba't ibang bansa. Anyway, dahil masarap ang pakiramdam ni Katrina ngayon, ayaw muna niyang pag-usapan ang tungkol sa kasong isinampa niya kay Hayden Kho. Gusto raw niya, na kahit sandali lang sa buhay niya ay makakawala muna sa anino ng iskandalo nila ni Hayden. Pero siyempre, panay pa rin ang dalangin ni Katrina na mabigyan ng hustisya ang kaso niya laban kay Hayden. Speaking of Katrina, nagsisisi ang character actor na si Mike Magat sa ginawa niyang pag-amin kamakailan tungkol sa nakaraan nila ng dalaga. Inamin nga ni Mike na nakarelasyon niya si Katrina bago pa man pumasok sa showbiz ang dalaga. Sabi ni Mike, hindi raw dapat nangyari ang pag-amin niyang `yon, kung normal lang siya nu'ng mga oras na `yon. Inamin ni Mike na nasa isang party siya at nakainom na nu'ng ma-interview siya ng reporter ng isang talk show. Lasing daw siya nu'ng mga oras na `yon kaya naging madaldal siya. Sabi pa ni Mike, mali ang timing ng pag-amin niya sa nakaraan nila ni Katrina. Sa halip na marami raw ang matuwa, mas lalo raw nabasa ang papel niya, at marami ang nagsabi na gusto lang niyang magpapansin para magkaroon ng project sa TV. Anyway, hindi na raw niya inaasahan na magkakausap pa sila ni Katrina, at hindi rin niya inaasahan na babatiin siya nito sa sandaling magkita sila. Anyway, ipinagtanggol na rin ni Mike ang sarili sa mga akusasyon na kesyo galing sa mga babaeng nakarelasyon niya ang pera na ipinagpatayo niya ng negosyo niyang The Long Island Bar. “Hindi nila alam, marami akong raket pag wala akong taping. Nag-o-organize ako ng mga events, fashion shows, at musical shows. Kapag wala akong project, sa abroad ako nagtatrabaho. “Pag bumabalik ako ng Pilipinas, may pera ako, at `yun ang ipinagpatayo ko ng negosyo,” sabi na lang ni Mike. Source: Abante |