|
|
| Katrina, walang inggit kay Cristine!![]() Author: Abante WALA pang maibigay na update si Katrina Halili sa development ng kaso niya kay Dr. Hayden Kho. Sabi ni Katrina, wala pa raw siyang natatanggap na kahit na anong balita tungkol doon mula sa kanyang abogado. “Hindi ko po alam kung ano na ang nangyayari. Hindi ko nga po alam kung bakit naka-pending pa rin 'yon. Wala pa silang sinasabi kung kailan matatapos 'yon,” sabi ni Katrina. At bagama't malungkot siya na tumatagal ang kaso nila ni Hayden, natutuwa naman siya na kahit papaano ay may mga trabahong dumarating sa kanya. Kinuha nga si Katrina bilang endorser ng Crystal Derm. Magpi-pictorial din siya para sa Herbench, at lalabas na rin ang billboard niya para sa Kawasaki motorcycle. Sabi ni Katrina, wala namang nabago sa career niya kung endorsements ang pag-uusapan. “May mga nagtitiwala pa rin po sa akin. 'Yung Crystal Derm, sinabi nila sa akin na hindi nila tinitingnan kung ano ang nangyari sa akin. Nakakatuwa kasi sinusuportahan nila ako. “Sobrang naa-appreciate ko po 'yung mga dumarating na opportunities, dahil sa mga pinagdaanan ko, gusto pa rin nila ako.” Pero, bakit tila mailap pa rin daw si Katrina ngayon? Hindi pa rin siya nakikitang lumalabas o nakikipag-sosyalan. “Umiiwas lang po ako, na baka ma-misinterpret ng mga tao ang pagiging jolly ko. Kapag nasa labas kasi ako kasama ang mga friends ko, masaya talaga ako. “At saka, siguro nag-mature na rin ako. Mas gusto kong maging tahimik na ngayon. Pero, hindi po ako umiiwas sa mga tao. “At saka, kahit naman noon, hindi rin talaga ako mahilig lumabas ng bahay,” esplika niya. Ano naman ang masasabi niya sa tagumpay na nararanasan ni Cristine Reyes ngayon? Sabi nga, napag-iwanan na raw siya ni Cristine? “Masaya ako dahil number one siya sa FHM. Tapos, may mga shows siya. Happy ako sa success niya. “Wala po kaming rivalry ni Cristine. Magkapatid ang turingan namin. Wala pong inggitan. Masaya ako kung anong meron siya ngayon, at siya rin naman, masaya sa kung anong meron ako ngayon. “Sa akin kasi, okey na rin itong career ko ngayon. Kahit isa lang ang show ko, araw-araw naman akong napapanood sa TV. Dati kasi, patung-patong ang trabaho ko. “Ngayon po, mas may time ako sa sarili ko at sa pamilya ko. Nakaka-survive naman po ako. I mean, nakakabayad naman po ako sa mga obligasyon ko, tulad sa kinuha kong bahay. Okey na po 'yon,” sabi na lang ni Katrina. Source: Abante |