Jul 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelp

Katrina willing magdusa sa mga kamay ni Iwa

PAYAG si Katrina Halili na ma-upstage sa acting ni Iwa Moto huwag lang sa World's Sexiest Women list. Alam ni Katrina na sa pagbabagong image niya bilang mabait at bida sa mag-bubukas na Magdusa Ka this Monday sa Drama Rama Sa Hapon, puwede siyang ma-...

 

Katrina willing magdusa sa mga kamay ni Iwa

Column: Daily Insider
Author: Dinno Erece

PAYAG si Katrina Halili na ma-upstage sa acting ni Iwa Moto huwag lang sa World's Sexiest Women list.

Alam ni Katrina na sa pagbabagong image niya bilang mabait at bida sa mag-bubukas na Magdusa Ka this Monday sa Drama Rama Sa Hapon, puwede siyang ma-upstage ni Iwa na lalabas na kontrabida niya. After all, ito ang papel palagi ng kontrabida, ang mas ma-notice kesa sa bida at alam ito ni Katrina having been a kontrabida for so long.

Pero say ni Katrina, hanggang doon lang 'yun dahil hindi siya papayag na maungusan sa listahan ng sexiest women in the world sa FHM. Si Katrina pa lang ang nakagagawa na mag-back-to- back sa said list and siyempre gusto niya pa na siya rin ang makagawa ng record na only actress to land that top spot three times in a row.

Pero lahat naman kasi ito ay depende sa fans na bumu-boto sa nasabing poll.

* * *

MAY follow up movie na pa-la ang Selda ni Emilio Garcia.

One of the most underrated actor si Emilio, but that doesn't mean he doesn't get his share of awards.

Recently, he just got ano-ther merit from Gawad Tanglaw para sa pelikula nila nina Sid Lucero and Ara Mina na Selda.

Nominated din siya sa upcoming Star Awards for Mo-vies for Best Supporting Actor for the same film and for sure sa iba ring award giving bodies this year, pero wala pang list.

Anyways, also part of the upcoming Magdusa Ka si Emilio playing Gerry mayamang ama nina Dennis Trillo and Gabby Eigenmann.

* * *

KINUKUHA nga ba ng GMA Films si Lea Salonga bilang ka-triangle nina Gabby Concepcion and Iza Calzado?

The one and only Filipina actress to win both the Oli-vier and Tony Awards for the hit musical stage Miss Saigon is back in the country with a promising concert of the year na produce ng Ambient Events na Lea, My Life... On Stage, this May 23 and 24 sa PICC Plenary Hall at 8 p. m. Stage direction ito ni Freddie Santos and musical direction ni Gerald Salonga.

Now, the said concert has ABS as one of its major sponsors together with Enfakid kung kaya't nagulat kami na may tsikang kinakausap daw si Lea ng GMA Films na magbalik-pelikula the same way with Gabby.

Matagal-tagal na ring hin-di umaarte sa pelikula si Lea and this could be a major event.

Personally speaking, pa-rang mas malaking news nga ito kaysa sa pagbabalik-pelikula ni Gabby.

* * *

PROMISE, isa sa pinaka kontrobersiyal na episode ang mapapanood tonight sa Babangon Ako't Dudurugin Kita.

We don't know how it will be staged, pero knowing the capacity of director Joel Lamangan, it could be executed tactfully.

Ang mga sirenang naghi-hello ang mga boobs o mga malignong nagpapakita ng puwet, masasapawan sa weekender tonight ng Babangon sa GMA Telebabad dahil tonight, magkakaputulan ng ari. Baka nga pati ang pagbangon ni Salve played by Yasmien Kurdi para durugin ang kalaban niya, masapawan din eh ha ha ha!

Source: Taliba