Sep 07
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kawalan ng proyekto, tanggap ni Heart

SA presscon ng Your Song kahapon, marami ang na-impress sa mga isinagot ni Heart Evangelista sa bawat tanong na ipinukol sa kanya. Ibang-ibang Heart na raw ang nakikita ngayon ng lahat at maging ang direktor ng episode na si Ruel Bayani, hangang-hanga...

 

Kawalan ng proyekto, tanggap ni Heart

Column: Hot 'n Spicy
Author: Vinia Vivar

SA presscon ng Your Song kahapon, marami ang na-impress sa mga isinagot ni Heart Evangelista sa bawat tanong na ipinukol sa kanya.

Ibang-ibang Heart na raw ang nakikita ngayon ng lahat at maging ang direktor ng episode na si Ruel Bayani, hangang-hanga sa laki ng ipinagbago ng young actress.

"'Yun talaga ang nararamdaman namin habang nagtatrabaho. Kasi makikita mo siya sa gitna ng set, parang hindi siya 'yung Heart noong araw, she's stable now, evolved at nakaka-impress talaga," sabi ni Direk Ruel.

Aminado naman ang aktres na talagang marami raw siyang natutunan sa lahat ng nangyari sa buhay niya.

Compared sa dating 16-year-old teener na akala'y napakadali ng buhay dahil lumaki sa marangyang kapaligiran, mas mature na talaga ang Heart ngayon sa edad na 21.

Of course, malaking factor ang three-year relationship with Jericho Rosales na dumaan din sa butas ng karayom.

"Maraming nangyari before na at first hindi ko alam how to accept, ang dami kong naging insecurities, hindi ko na alam kung paano ko ibabalanse, so all of that made me a better person. Yes, I've matured," Heart said.

Hindi na rin daw siya nakikipagkumpetensiya ngayon at tanggap niya na hindi ganu'n kadali ang magkaroon ng project dahil napakaraming artistang babae who are willing to do everything.

"And I'm not willing to do everything. I don't wanna do kissing scenes, I don't wanna do bed scenes. It's okay na suggestive dahil hindi naman puwedeng wala talaga, pero ganu'n lang. Like I remember one time sina John Lloyd (Cruz) and Bea (Alonzo), they did a shower scene together, I heard that it took them a few takes to get it right, I don't think I can do that," sabi niya.

Kaya, okay lang sa kanya kahit medyo matagalan na wala siyang project at maghihintay na lang siya ng tamang role, tulad ng Your Song, featuring Muntik na Kitang Mahalin by Erik Santos.

Dahil birthday ni Heart sa Feb. 14 at ang buwan ng Pebrero ay itinuturing na love month, sa buwang ito tatakbo ang Your Song episode niya with Jayson Abalos and Erich Gonzales.

Sa birthday ni Heart, baka wala raw siyang bonggang party at magkaroon lang ng simpleng dinner kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Ang original plan ay sa bagong bahay ni Echo ito gagawin kung matatapos sa oras.

* * *

Hindi talaga kami umalis ng bahay noong Lunes ng gabi para tutukan ang tatlong malalaking teleserye ng ABS-CBN - Kung Fu Kids, Lobo at Palos.

Pinakagusto namin sa lahat ang pilot ng Lobo dahil nagpakita agad ng matinding drama ang cast at acting kung acting talaga ang labanan.

Lumutang sina Sheryl Cruz, Diether Ocampo, Irma Adlawan at Agot Isidro, ganundin si Bobby Andrews sa eksenang tumatakbo palayo kay Nessa (Agot) nang magsa-lobo ito sa kanyang harapan.

Pati ang aso na gumanap na lobo, hindi nagpatalbog dahil umarte rin siya, in fairness.

Bongga ang crying scene ng aso kung saan ay highest form of acting, so to speak, ang kanyang ipinakita. Ito 'yung pagtulo ng luha sa isang mata na magagaling na artista lamang ang nakagagawa.

Salamat sa digital world dahil wala na talagang imposible.

Sa pilot, isang sequence lang ipinakita ang mga bidang sina Piolo Pascual at Angel Locsin at pagkatapos ay nag-flashback na.

After the airing, ka-text namin ang isang staff, na tuwang-tuwa dahil sa rami ng congratulatory messages na natanggap nila mula sa mga taong nagandahan sa teleseryeng napakatagal na inabangan.

* * *

Pagkatapos mag-away, mukhang okay na naman ang mundo ngayon nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Last Monday, magkasama ang dalawa sa bahay nina Patrick at maayos naman daw sila.

Ang kuwento ni Jen sa staff ng manager na si Becky Aguila, si Patrick daw ang naglilihi ngayon dahil kung anu-ano ang gustong kainin.

Well, sana'y lagi na lang silang ganyan nang tuluyan nang maayos ang kanilang relasyon.

Source: People's Tonight