|
|
| Keempee de Leon answers mostly lies in "Don't Lie To Me"![]() Author: Rose Garcia Si Keempee de Leon ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, October 12. Habang naka-strap sa lie-detector machine si Keempee ay nakusap naman sa kabilang side ang mga kaibigan niyang sina Ariel & Maverick. Actually, tiyuhin ni Keempee si Ariel dahil pinsang-buo ito ng kanyang ama na si Joey de Leon. Limang "Lie" at dalawang "Truth" lang ang resulta ng lie-detector test ni Keempee. Ang unang tanong ni John "Sweet" Lapus kay Keempee ay kung totoo bang binalak niyang ligawan noon ang co-star niya sa defunct GMA-7 sitcom na Bahay Mo Ba 'To? na si Francine Prieto.
Keempee answered a "No" at "Lie" ang lumabas na resulta.
Paliwanag ni Keempee, "Kami ni Francine kasi, naging close lang talaga kami. Kumbaga, more than that, pagiging partner namin sa Bahay Mo Ba 'To?, wala nang humigit dun. More on nanaig ang friendship namin. Mas tumagal yung pagiging magkaibigan namin."
Tinanong naman ni Sweet ang reaksiyon nina Ariel & Maverick. Sabi ni Ariel, iba ang alam niya noon, pero sabay bawi rin ng dalawa na "friends" lang daw sina Keempee at Francine saka humirit na, "Keempee ha, ang honorarium dito, P30,000 lang!" Ikalawang tanong ni Sweet ay ang tungkol sa pag-amin noon ni Geneva Cruz sa radio show ni DJ Mo Twister na may namagitan sa kanila ni Keempee. Ang tanong, nagkaroon nga ba sila talaga ng short-lived relationship ni Geneva noong araw?
Itinanggi ni Keempee ang naging revelation ni Geneva, pero "Lie" na naman ang lumabas na resulta. Nagpaliwanag muli si Keempee. Aniya, "Hindi, kasi kami nila Gen, grupo kami niyan. Kami nila Dessa, Lloyd Umali... Kapag may mga shows si Lloyd, pumupunta kaming lahat. Sinusuportahan namin siya. Nakiki-jamming din kami. Pero magkakaibigan lang kaming lahat. Walang namamagitan sa aming relasyon. Relasyon bilang magkaibigan lang." Sumunod na tanong kay Keempee ay kung totoo bang nagkagalit sila ng kaibigan niyang si Janno Gibbs dahil sa sexy actress na si Cristine Reyes.
Again, Keempee said "no" at "Lie" na naman ang naging resulta.
"Hindi totoo yun!" apela ni Keempee. "Alam mo naman ang bali-balita, di ba? Ginagawan lang ng isyu 'yan dahil alam naman natin na nanligaw ako kay Cristine. 'Tapos, na-link sila ni Janno. Pero kami naman ni Janno, hindi kami nagpapadala sa mga isyu na makakasira sa pagiging magkaibigan namin dahil sa ganoong bagay lang." Totoo ba na hindi pa rin sila nagpapansinan ni Marvin Agustin hanggang ngayon dahil kay Pauleen Luna?
"No" na naman ang sagot ni Keempee at muli, "Lie" na naman ang nakuhang resulta ng aktor.
"Ilang beses kaming nagkakasama ni Marvin dahil magkasama kami sa La Lola. Yung sa kanila ni Pauleen noon, hindi totoo. Hindi kami nagkaroon ng chance na magkausap tungkol sa relasyon nila ni Pauleen noon or kami ni Pauleen. Kumbaga, wala, e, hindi kami nagkaroon ng chance na mag-usap. Kumbaga, walang dahilan para sumama ang loob ko. Sa taping, wala...more on kuwento-kuwento lang," mahabang paliwanag ni Keempee. Sumunod na tanong ni Sweet kay Keempee ay tungkol sa relasyon niya noon kay Angelika dela Cruz. Sa palagay kaya ni Keempee ay siya ang may kasalanan kung bakit nag-break sila noon?
Matagal sumagot si Keempee, pero "no" pa rin ang sagot niya. "Lie" na naman ang lumabas na resulta.
"Well, how will I put it?" paunang paliwanag ni Keempee. "Nanligaw ako kay Angelika. But I guess, it's not the right time. But I'm proud to say, we're good friends right now and congratulations to Angelika, she's very happy right now." Para sa next question, ang dating niligawan ni Keempee at co-host niya ngayon sa Eat Bulaga! na si Pauleen Luna ang nagtanong sa kanya via phone patch? Biniro ni Pauleen si Keempee na nakaka-limang lies na siya. Ang tanong ni Pauleen ay kung totoo ba na nang mag-break sila ni Mayor Sherwin Gatchalian ay gusto ulit magparamdam ni Keempee sa kanya.
Nakangiting "yes" ang sagot ni Keempee at sa kauna-unahang pagkakataon ay sumang-ayon sa kanya ang lie-detector machine.
Tinanong naman ni Sweet si Keempee kung wala na siyang balak ligawan ulit si Pauleen.
"I guess, mas okey na ganito kami. Mas closer kami right now. I guess, yung pagmamahal sa isang tao, hindi naman basta-basta nawawala 'yan. Hindi isang damit na basta mo itatapon," sabi ni Keempee.
Tanong naman ni Sweet kay Pauleen, kung sakali ba na manligaw si Keempee, may pag-asa naman ito sa kanya?
"Tingnan na lang natin," sagot ni Pauleen. Sa last level na "Now or Never," tinanong ni Sweet kay Keempee ang tungkol sa lumabas dito sa PEP (Philippine Entertrainment Portal) na happy siya ngayon sa kanyang non-showbiz girlfriend, a 21-year-old lady na naka-base sa abroad. (Click here to read related article.) After all his failed relationships, masasabi ba ni Keempee na ang girlfriend niya ngayon ang babaeng pakakasalan niya?
Matagal bago nakasagot si Keempee, pero sa huli ay "no" ang kanyang sinabi. Muli, sumang-ayon sa kanya ang lie-detector machine Paliwanag ni Keempee, "May minamataan ako. She's not from here. She's from Canada. She's a half-Filipina, ¼ Chinese, and ¼ Spanish...Canadian as well. As of now, we're good friends and we're trying to know each other better.
"Hindi ko masagot ng yes kasi she's from there and I'm from here. I just go kung anong will ni God sa akin. Kung siya, so be it." Source: Philippine Entertainment Portal |