Keempee, no time for depressionAuthor: Rowena Agilada MASAYA na rin si Keempee de Leon kahit naudlot ang panliligaw kay Cristine Reyes. Maganda naman ang naging kapalit nito dahil mas dumami ang kanyang racket. Nadagdagan ang kanyang trabaho at no time siya para ma-depress. "I feel much better now," he said nang nakatsikahan ng Tempo sa presscon ng "Bahay Mo Ba To" na, incidentally ay may month-long celebration this September for its first anniversary. Bukod sa BMBT, kasama rin si Keempee sa after-noon soap opera ng GMA-7, "Kung Mamahalin Mo Lang Ako." May special participation naman siya sa "Lovestruck" na pinagbibidahan ng Starstruck 1 and 2 Final Four wherein kapatid ni Rainier Castillo ang role niya. Kasama rin si Keempee sa "Espiritista" headed by Vic Sotto na entry sa Metro Manila Film Festival. Hopefully next year ay tutuparin na ni Mother Lily Monteverde ang promise kay Keempee na gawin ang remake ng "Starzan" na pinagbidahan ng kanyang daddy Joey de Leon. "Son of Star-zan" ang title na wish lang ni Keempee ay makasa-ma ang kanyang daddy. Tila ki-nukunsider daw si Fran-cine Prieto to be his love interest, ayon kay Keempee. Hopefully next year din ay matuloy na ang pagbabalik-recording niya with no less than Ogie Alcasid ang magpo-produce ng album ni Keempee. Source: Tempo |