Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Keempee, tatantanan na si Christine

Relasyong Kempee de Leon at Cristine Reyes. Nagka-problema si Janno Gibbs dahil sa passport.

 

Keempee, tatantanan na si Christine

Kempee de Leon

Column: Oh, Laban Ka?!
Author: Rey Pumaloy

Titigil na si Keempee de Leon sa panliligaw kay Cristine Reyes, nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Bagama't may iba pang rason si Keempee, malaki ang partisipasyon ng mga binitiwang salita ni Ara sa Startalk kaya umayaw na ang aktor sa panliligaw kay Cristine.

Aminado si Keempee na nasaktan ang kanyang pagkatao sa mga pahayag ni Ara tungkol sa kanya, particular na ang mga sinabi nitong, "Kilala ko 'yan."

Nang makausap namin si Keempee, feeling niya ay parang isa siyang masamang tao sa mga pahayag ni Ara laban sa kanya.

"Nasaktan ako, hindi ko mai-deny 'yon. Akala ng ibang tao, hindi ako affected. Pag sa mga ganitong taping or abala ang utak ko, hindi nagsi-sink in sa akin 'yung mga sinabi niya.

"Pero pag-uwi ko ng bahay, doon ko na naiisip 'yung mga sinabi ni Ara sa akin.

"Parang nasira ang buong pagkatao sa mga sinabi niya. Parang isa akong kriminal o masamang tao.

"Lahat ng sinabi ko sa S Files, totoo 'yon. Sincere ako sa kapatid niya.

"Five years akong hindi nagkaroon ng girlfriend. Hindi ako nanligaw.

"Ngayong may nakita ako, may gusto akong patunayan sa lahat. At hindi ako nabigyan ng chance na patunayan 'yon," himutok ni Keempee.

Hindi nakikita ni Keempee ang punto ni Ara na naging magkasintahan sila noon at ngayon naman ay ang kanyang kapatid ang nililigawan niya.

"Matagal na 'yon. Mga bata pa kami. Past na 'yon eh. Marami nang dumaan sa buhay ko at iba na ang pananaw ko ngayon," sabi ni Kempee.

Aminado rin si Keempee na muli siyang natakot sa relasyon dahil sa nangyayari sa kanila ni Ara kaya mukhang matatagalan uli bago siya magmahal ng bagong babae.

Sinusulat ang item na ito, hindi pa nakakapag-usap sina Keempee at Ara.

Ang huling conversation nila ay nang tawagan siya ng aktres matapos ilabas sa Startalk ang interview nito.

Hindi alam ni Keempee kung hanggang kailan niya iindahin ang sama ng loob niya sa nangyari pero nangako siyang hindi na siya magsasalita para hindi na humaba ang isyu.

***

Hindi na nakapagpaalam si Janno Gibbs sa amang si Ronaldo Valdez bago lumipad patungong Amerika para sa launching ng GMA Pinoy TV sa San Francisco, California.

Naunawaan ito ni Tito Ronaldo dahil muntik nang hindi makalipad ang anak dahil sa kapalpakan sa passport.

Nabaklas ang larawan sa passport ni Janno nang humarap siya for interview sa US Embassy.

Kilala si Janno ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing embahada kaya mabibigyan siya ng visa.

Kaya lang, biglang bumigay ang larawan niya sa passport kaya pinabalik siya ng consul for another interview kapag napalitan na ang kanyang passport.

Ipinaliwanag ng consul na kahit bigyan siya ng visa, baka hindi rin siya makapasok sa US immigration dahil sa photo niya sa passport.

Natensyon bigla ang mga taga-GMA 7, partikular na ang mga taga-SOP, sa nangyari kay Janno kaya agad na ipina-expedite ang passport nito.

Nabigyan si Janno ng visa pagbalik niya sa embassy pero nataranta na ang kanyang staff pati na rin siya.

Kaya ayun, hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang pamilya.

***

Simula bukas, mapapanood sa CCP Little Theater ang twin bill stage play na Isang Buhay sa Tambakan at Ang Paglilitis Kay Mang Serafio. Tatakbo ito hanggang Hulyo 24.

Karamihan sa mga gaganap dito ay ang graduates ng GMA Artist Center Acting Workshop at naging artista sa digital movie na La Funeraria Toti na idinirehe ni Rahyan Carlos.

Kabilang sa magbibida sa twin bill na ito ay ang 18 y/o na si Jay Coronel.

Ang dalawang stage play ay parehong tumatalakay sa social political status ng mga nasa squatter's area.

Isang malaking hamon kay Jay ang mapili sa production na ito matapos ang isang buwang workshop niya sa GMA.

"First time ko pong lalabas sa isang stage play. Sabi nila, pag nalagpasan mo ito, kaya mo nang harapin ang pelikula at TV acting. Sa stage daw kasi, pag nagkamali ka, hindi mo pwedeng i-take two. Kaya kailangang galingan mo," sabi ng binata.

Kung hindi pa naglakas-loob na sumali sa workshop si Jay, maaaring kailanman ay hindi niya mapasok ang showbiz.

"Mahiyain po ako. Kulang na kulang ako ng confidence sa sarili. Nang mag-open ang GMA 7 for acting workshop, sumali po ako sa pagbabakasaling matanggal 'yung hiya ko at ma-build 'yung self-confidence ko.

"Sa dami po ng execises na ginawa namin, nabago po 'yung pananaw ko sa sarili ko. Kaya ko palang umarte," aniya.

Bagamat kabado si Jay sa unang paggganap sa teatro, excited din siya dahil ito'y produksyon ng CCP.

Si Jay ay kumukha ng kursong Nursing sa Our Lady of Fatima.

Gusto niyang tularan ang idolo niyang si Diether Ocampo.

Si Jay ay nasa ilalim ng talent management ng Redline Production ni Mr. Gilbert Rivera

Source: Abante Tonite