Apr 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kim Chiu, inosente sa sex!

Kim Chiu, inosente sa sex!

Author: Dondon Sermino

Sina Sarah Geronimo at Kim Chiu na lang daw ang pinaniniwalaang 'virgin' sa mga sikat na kabataan sa showbiz ngayon.

Pareho raw kasing malinis ang image nina Sa­rah at Kim, at alam mong hindi pakalat-kalat sa kung saan-saang bar, o nakikitang nakikipaglampungan sa mga lalake.

“Masaya kasi gusto kong mag-remain ng inosenteng ano (image) sa showbiz. Siyempre, maraming humahangang mga bata,” sabi ni Kim, ang bida sa epi­sode na Class Picture na Shake, Rattle & Roll X, na prodyus ng Regal Entertainment.

Hirit ng isang reporter, hanggang kailan niya maipi-preserve ang kanyang virginity?

“Hanggang sa pagpapakasal ko. Pero, matagal pa `yon.

“Ano ba `yan? Parang patay na ipi-preserve! Ha! Ha! Ha! Ha!”

humahalakhak na sagot ni Kim.

Pero sa totoo lang, magandang impluwensiya nga si Kim sa mga kabataang babae, kung mapapanatili niya ang pagiging virgin niya, hanggang sa ikasal siya.

“Oo nga, eh. Mahirap na kasi, na kapag nagkamali ka, mahirap na, wala ka nang pera. Wala ka nang trabaho!” say niya.

Ganun ba `yon? Na kapag nawala na ang virginity ng isang babae, mawawalan na siya ng trabaho? Eh, marami nga riyan ang hindi na virgin, pero sikat na sikat pa rin hanggang ngayon.

“Mahirap kasi kapag nabuntis ka! So, maghintay ka na lang.

“Ibibigay ko lang talaga `yon sa asawa ko. Para i-love talaga niya ako.”

Baka magsisisi siya sa bandang huli?

“Bakit naman? Okey lang `yon. Sabi nga nila, kapag kasal ka na, doon ka na lang magkaanak, kasi bigay ni God `yon,” say pa ni Kim na tila inosente talaga sa sex.

Teka, naniniwala ba siya na silang dalawa na lang talaga ni Sarah ang virgin sa showbiz?

“Hindi naman. Marami pang iba riyan. 'Yung mga friends ko, sina Melissa (Ricks) at Erich (Gonzales). Mga healthy lifestyle lang kami, eh. Nag-i-ice skating lang kami. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Siyanga pala, ang Shake, Rattle & Roll ang
unang pelikula nina Kim at Gerald sa labas ng Star Cinema. Si Topel Lee ang director ng Class Picture, na sinulat ni Cheryl Narvasa.

Aminado si Kim na matatakutin talaga siya. Katunayan, may isang eksena sa pelikula na kailangan niyang pumasok sa isang madilim na kuwarto, at kinilabutan daw talaga siya.

“Nagpa-cut talaga ako, kasi hindi ko kayang pumasok sa kuwarto na mag-isa lang ako. Baka kasi may nagtatagong multo roon, sumama pa sa akin.

“Eh, sa shooting namin, may nagpaparamdam din kasi. Like sina Erich, sabi nila, may nakita raw talaga sila. Ako kasi, hindi talaga ako tumitingin, dahil hindi talaga `yon nawawala sa isip ko.

“Hindi pa ako nakakakita ng multo. At ayoko ta­lagang makakita,” sabi na lang ni Kim.

Source: Abante