Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kim Chiu nagpadoktor

Kim Chiu nagpadoktor

Author: Eric John Salut
Column: Kalerky

ITINANGGI ni Kim Chiu ang intrigang she is suffering from anorexia.
Marami kasi ang naka-papansin ng sobrang pagpayat ni Kim.

Pero aniya, hindi totoo 'yung anorexia issue. At sabi pa niya, natural daw siyang payat eversince.

"Mabilis kasi akong mabusog," pahayag ni Kim. "At sa pagkain, patikim-tikim lang ako. "

At para ma-address na ang issue, very recently, Kim consulted a gym instructor para ma-monitor ang kanyang fitness at nutrition.

Nagsimula na si Kim sa kanyang work-out. Nag-complain nga ito na sobrang sakit ng thigh and legs niya.

"'Yun kasi ang focus ng program ko. Kaila-ngan daw ay magkaroon ako ng muscles sa legs and thighs," aniya pa.

Isang nutritionist din ang nagmu-monitor ng food intake ngayon ni Kim to make sure na tama ang amount na kinakain niya.

Next Sunday, Oct. 5 na ang premiere ng Your Song Presents: My Only Hope, ang bago nilang show ni Gerald Anderson sa ABS-CBN.

Maninibago tiyak ang kanilang followers sa kanilang respective roles na medyo mature na.

* * *

BAGO pa man gawan ng intriga ang pagkakasibak kay Baron Geisler, at pag-lit sa kanya ni Eric Fructuoso sa pelikulang T2 ni Maricel Soriano under Star Cinema, nakapag-apologize na si Baron sa aktres at direktor na si Chi-to Roño.

Sa exclusive interview ni Manila Santos ng www. ABS-CBN. com, ipinaliwanag ni Baron ang dahilan kung bakit hindi siya nakauwi agad (from Ve-nice, Italy) para mag-report sa shooting.

"Wala akong phone when I was in Europe," sabi ni Baron. "It was just a matter of miscommunication. But I was able to settle things and said my apologies to Tita Maricel and Direk Chito. "

"Nanghinayang ako when Tita Maricel told me na sayang. That the role was tailor-made for me. "

Naiintindihan din ni Baron ang position ng Star Cinema why he was replaced. Naniniwala si Baron na may opportunities pang darating sa kanya.

* * *

MASAYA kami dahil lahat ng friends naming ini-refer kay Dr. Jay Recasata ng Faces & Curves ay equally-happy sa servi-ces na ipinagawa nila sa kaibigan naming plastic surgeon.

'Yung isang kaibigan namin na kailangan ng glutathione content (para sa kanyang pagpapaputi) ay happy rin sa naging resulta ng kanyang treatment. In just a few weeks, kitang-kita ang pag-ligh-ten ng mukha at katawan ng aming kaibigan.

'Yung isa naman na kailangang bawasan ang oil deposit sa ilong (na nagku-cause para mag-swell ang kanyang nose) ay maganda rin ang resulta.

Dr. Jay Recasata is our personal surgeon at nani-niwala kami sa kanyang kakayahan at expertise sa serbisyong kanyang inu-offer.

Ilan sa celebrities who visit Dr. Recasata regularly ay sina Toni Gonzaga, Kim Chiu, Melissa Ricks, RR Enriquez, Roxanne Guinoo at Cristine Reyes.

Para sa iba pang ser-bisyong inu-offer ng Fa-ces & Curves, puwedeng tumawag sa 722. 8405. Ang kanilang clinic ay matatagpuan sa Annapo-lis, Greenhills sa San Juan City.

Source: Taliba