|
|
| Kim, Erap at Baby James, magkakasabay ang b-day![]() Column: Tell & Tell DU'N sa presscon para sa debut ni Kim Chiu, hindi makapaniwala ang My Girl ng bayan na magkakaroon siya ng isang TV special na ipalalabas sa May 4, 9:30 p. m. "Opo. Nakakatuwa nang sinabihan nila akong ipalalabas sa TV 'yung debut ko, talagang hindi ako makapaniwala, kasi pinanood ko pa 'yung debut ni Heart (Evangelista) nu'ng nag-aaral pa lang ako, hindi talaga ako natulog kahit late na siya natapos. "Tapos ngayon, hindi ako makapaniwalang debut ko na pala ang ipalalabas sa TV, nakakatuwa! Parang fairytale," masayang sabi pa ni Kim. Aba, dapat pala, ang maging theme song sa debut special nitong si Kim ay 'yung awiting. .. "Hindi ako makapaniwala... kung ikaw ay isang panaginip, ayoko nang magising. .. ," pero dapat, 'wag mong tulugan ang debut mo, Kim, tulad ng ginawa mong hindi pagtulog sa debut special ni Heart noon, tsuk! Actually, ngayong April 19 ang mismong debut nitong si Kim, kasabay ng birthday nina ex-President Erap Estrada at Baby James nina Kris at James Yap. Pero ang celebration ay gagawin sa April 26 sa The Glass Garden sa Pasig. Her gowns will be created by Francis Libiran habang ang food will be catered by Hizon's. Ang venue ay pagagandahin ng Lily Flower Boutique, at ang souvenirs ay galing sa Charms and Crystals. Ang wishes ni Kim on her 18th birthday? Maging successful at mag-rate ang My Girl, more projects at good health. * * * No doubt na magaling na comedy director itong si Wenn. Aber, tingnan nga natin kung pati ang horror, keri rin nitech. * * * Pero wala silang taping kahapon. Ang ispekulasyon ng mga syobis baklita, siguro raw, paghahandaan nang husto ni Kris ang 1st birthday ni Baby James ngayong Sabado. So, happy birthday, Baby James! And yes, happy birthday din po, Pangulong Erap! Belated naman kay katotong Jobert Sucaldito, na nagdaos ng bonggang-bonggang 47th birthday nu'ng Miyerkules ng gabi. More birthdays to come, kafatid! * * * Naku, ayaw ni Big Brother ng ganyan! Ayun, nakatikim tuloy sila ng ampalaya juice at ginisang ampalaya mereseng masuka-suka ang mga damungkang, hahaha! 'Yun ngang mukha ni Kevin from Spain, pait na pait sa ampalaya. As in, brother and sister ek lang kami, tsuk! Itong si Tom, ang paboritong kinakain, chicken with matching litrong Coke, pero nu'ng pareho kaming walang dats (datung), pinakain itech ng yours truly ng okra. Jusko, jusmo, Ian F. , imadyinin mo na lang kung paanong ang pagka-guwapu-guwapong fez ni Tom Babauta ay naging batuta ng dahil sa okra, hahaha! Kaya ang teen housemates ni Big Brother ngayon na hindi laking 'Pinas, tulad nina Alex of Milan Italy, Valerie of Germany at Kevin of Spain, dapat pakainin din ng okra para 'di maokray ng mga vaklesh paglabas ng Bahay ni Kuya, tsuk! Source: People's Tonight |