Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kim at Gerald ipinagtanggol ni Kuya Germs

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Hindi nagustuhan ng ilang member ng FAMAS ang ginawang pag-alis nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa ginanap na Gabi ng Parangal ng award giving body para sa kanilang "German Moreno Lifetime Achievement Award. "

Ayon sa ilan, binastos umano ng pambating loveteam ng Dos ang award na ibinigay ni Kuya Germs sa naturang awards night.

Pero nang makausap namin si Kuya Germs sa canteen ng GMA-7 last Wednesday pagkatapos ng kanyang radio program ay ipinagtanggo niya ang dalawang young star.

Ayon kay Kuya Germs, walang pambabastos na ginawa sina Gerald at Kim dahil unang-una ay nagpunta sila sa Gabi ng Parangal ng FAMAS at doon pa lang daw ay nagpakita na ng res-peto sa kanya ang dalawa.

Nalaman kasi ni Kuya Germs na may rehearsal pala sina Gerald at Kim sa Ara-neta Coliseum that night kaya kinailangang umalis sila kaagad.

"Kaya lang sa isang staff ko lang nagsabi ang handler nila at hindi sa akin. Sana ay naisalang na namin sila kaagad," katwiran ni Kuya Germs.

"Nang malaman ko kailangan pala nilang umalis, binago namin kaagad ang sequence guide para mauna na 'yung award para sa kanila, kasama sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

"Wala akong alam nakaalis na pala sina Gerald at Kim kaya nu'ng tinatawag ko sila para tanggapin ang award ay wala nang tumanggap. Hindi ako galit at nauunawaan ko sila. Sayang lang dahil hindi nila natanggap ang award at walang bastusang nangyari," dagdag pa ni Kuya Germs

Wala ring pagsisisi si German Moreno sa pagpili niya kina Gerald at Kim dahil deserving naman daw talaga ang dalawang hottest loveteam ng Dos.

Nakipag-meeting din pala ako at ang pangulo namin sa Movie Writers Welfare Foundation na si Emy Abuan kay Kuya Germs para hingan siya ng pabor para mag-host sa gagawin naming benefit show sa Araneta Coliseum o sa Cuneta Astrodome sa Dec. 14 sa pakikipagtulungan ni Kuya Daniel Razon para makalikom ng pondo para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Agad namang pumayag si Kuya Germs na mag-host sa show na tinawag naming Isang Araw With The Stars.

Nanawagan din ang MWWF sa mga artista na suportahan ang one night of celebration para makalikom ng pondo ang foundation na ang makikinabang ay lahat ng entertainment writers sa print and TV.

* * *

Proud mother si Sharon Cuneta kay KC Concepcion pero at the same time ay naaawa din siya sa anak dahil halos wala raw itong tulog.

Very active kasi si KC sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagong Ondoy at Pepeng at kasabay pa ang pag-taping sa Lovers In Paris.

"I worry about her (KC). Today she`s in Minda-nao. Wala talagang takot. She does her part sa pagbibigay ng relief goods sa mga nasa-lanta ng bagyo. Saka 'yan ay ginagawa niya sa dapat sana ay rest day niya kasi wala na siyang tulog halos because of Lovers In Paris," kuwento ni Sharon nang pasyalan namin sa first shooting day ng Mano Po 6 sa Sofitel Hotel kamakalawa.

Sa tsikahan namin kay Megastar ay sumang-ayon siya nang mag magsabing nakaka-proud si KC dahil imbes na lovelife ang atupagin ay pagtulong sa kapwa ang binibigyan ng atensi-yon.

Inamin tuloy ni Mega na walang namamagitan kina KC at Piolo Pascual, suitor ng dalaga at leading man sa Lovers in Paris.

Magkaibigan lang daw talaga ang turingan ng dalawa.

Nagulat kami nang aminin ni Mega na dahil ka-loveteam ng anak niya si Piolo ay gusto rin daw niya sanang maka-loveteam ang actor pero masagwa na raw.

Pero joke lang daw ito at at baka seryosohin namin.

Very happy naman si Sharon sa movie niyang Mano Po 6 dahil after 31 years ay napagbigyan niya si Mother Lily at Roselle Monteverde na makagawa ng pelikula under Regal Films

"Grabe ang ginagawa nilang pag-aalaga sa akin. Natupad na rin ang pangako ko kay Mother Lily na gagawa ako ng pelikula sa production outfit nila at eto na nga ang Mano Po 6 na entry pa sa Metro Manila Film Festival sa December. Last movie na ginawa ko na naging entry sa MMFFP ay Crying Lady at ngayon lang nasundan.

"Ang gagaling ng mga kasama ko, sina Heart (Evangelista) at kaibigan kong si Zsa Zsa (Padilla). Marami akong firsts dito. First na nakasama ko sina Heart, Dennis at Direk Joel Lamangan, first din sa Regal Films," say pa ni Sharon na malaki na ang ipinayat, huh!

Source: Taliba