Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kim at Rhian, magkaagaw kay JC de Vera?

Kim at Rhian, magkaagaw kay JC de Vera?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

ITINANGGI ni JC de Vera sa isang kaibi­gan na never silang nag-date ni Kim Chiu sa Podium. Ang totoo, si Rhian Ramos ang kasama niya with friends na lumabas that day na sinabing ang Channel 2 artist ang kasama niya. Ayon daw kay JC, kilala niya si Kim pero acquaintance lang daw sila.

Meaning, hindi type ni JC si Kim.

Anyway, magkasama man sila sa Shake, Rattle & Roll X, hindi naman daw sila magkasama sa episode. Eh, nu'ng birthday ng ma­nager ni JC na si Annabelle Rama, silang da­lawa ang magkasamang bumati sa celebrator.

'Yun nga lang, kung semi-pormal ang dating ni JC, ibang-iba naman ang hitsura ni Rhian na parang naka-duster ng mamahalin, huh!

Hangga't may LaLola sina JC at Rhian, expect na sila muna ang magka-date exclusively. After all, buwag muna ang loveteam nina JC at Yasmien Kurdi, huh!

So, ano ang mapapala ni JC kapag nag-date sila ni Kim gayong nasa bakuran siya ng GMA, 'di ba? Wala naman, `di ba?

Naku, ang guwapo talaga ni JC, at parang pinag-aagawan siya nina Rhian at Kim, ha!
***

Nag-celebrate si Angelika dela Cruz ng kanyang birthday last Wednesday sa set ng Una Kang Naging Akin.

Kasama ng buntis na aktres ang asawa niyang si Orion at pinagsaluhan ng stars, staff and crew ang Goldilock's products gaya ng pancit sotanghon, siomai at lumpiang Shanghai na dinala sa set.

Apat na buwan nang buntis si Angelika at napi-feel na raw niya ang paglaki ng tiyan.

Sa primetime show na LaLola gagamitin ni Angelika ang pagbubuntis niya, dahil palalabasin na buntis siya roon.

'Yun nga lang, hindi pa niya alam kung sino ang makakabuntis sa kanya sa show na `yon.

Ipinakilala rin niya sa amin ang asawa niyang si Orion. Na-meet na namin ang asawa niya nu'ng sama­han siyang mag-guest sa NUTS Entertainment episode sa Hong Kong.

From her looks ang condition, obvious na masayang-masaya si Angelika sa bagong mundo niya with her husband.

Source: Abante