|
|
| Kim at Sarah, bagong Maricel at SharonAuthor: Nitz Miralles Parehong mahilig sa music sina Josh Aquino at Baby James, mga anak ni Kris Aquino dahil kung si Baby James, songs ni Michael Jackson ang hilig ngayon, si Samantala, sa November 26 na magsisimula ang taping ni Kris ng Kung Tayo'y Magkakalayo kung saan, gaganap siyang ina ni Kim Chiu. Isa lang ang sagot ni Kris kung bakit siya pumayag maging ina ni Kim. "Because Kim is the number one youngstar. Let's be honest, solo niya ang kanyang age bracket. Si Sarah (Geronimo) ka-category ni Kim, pero 'di siya gumagawa ng soap. Para silang sina Sharon Cuneta at Maricel Soriano,"sabi ni Kris. Dagdag pa ni Kris, mabait sa kanya ang fans nina Kim at Gerald Anderson, lagi siyang binibigyan ng flowers at iba pang regalo. * * * Buhay na buhay si Michael Jackson sa docu film niyang This Is It na ipinakita ang rehearsal niya sa gagawing concert with the same title. Very fragile si Michael, ang hilig magsalita ng "I love you" at "God bless you" at ang pagtataray lang ay "that's why we have rehearsal. " Two weeks lang palabas ang docu film at 'di ninyo pagsisisihan 'pag inyong pinanood dahil last time ninyong mapapanood si Michael Jackson na buhay at kumakanta. Sabay ng showing ng docu film ang release ng Sony Music Entertainment's Columbia. Epic Label Group ng two-disc album na Michael Jackson's This Is It. Songs na kakantahin dapat ni Michael Jackson sa kanyang final concert ay ang Wanna Be Startin' Somethin', Human Nature, Smooth Criminal, The Way You Make Me Feel, I Just Can't Stop Loving You, Beat It, Earth Song, Billie Jean. Sa husay ni Michael Jackson, pati ang director na si Kenny Ortega na madalas na siyang mapanood ay napahanga pa rin. Ang back-up vocals pala ng title track ay ang Jackson brothers. Nasa disc two ang mga kantang She's Out of My Life, Wanne Be Startin' Somethin' (demo), Beat It (demo) at Planet Earth na isang poem. * * * Sa second part ng Special episode ng Dear Friend, unti-unting matatanggap muli ni Luisa (Yayo Aguila) ang anak na si Ella (Ynna Asistio) at kahit si Tyron (JC de Vera) naiintindihan ang kalagayan ni Ella. Si Yvette (Jewel Mische) ang matigas at hindi pa rin mapatawad ang kapatid. Madadagdagan ang galit ni Yvette sa kapatid dahil pinahiya siya nito sa kanyang engagement party at baka doon, si Ella pa ang kampihan ng tao. Sa sobrang inis ni Yvette, nakipaghiwalay siya kay Tyron nang minsang kampihan nito si Ella. Si Ella na naman kaya ang masisisi sa gulong ito? Paano tatanggapin ni Tyron ang pinapakitang ugali ngayon ng babaing mahal niya? Alamin sa Dear Friend Presents...Special mapapanood after SOP. * * * Kasama sa Bandaoke! Rock n' Roll to Millions ang Are You The Next Big Star? winner na sina Frencheska Farr at Geoff Taylor at ang runner-up na si Jay Perillo. Sila ang bumubuo sa Bandaoke Band na ang members ay mga pumasa sa auditions na ginawa ng GMA-7. Hindi ini-expect nina Geoff at Frencheska Farr na mapapasok sila sa show dahil alam na mas marami pang talents na nauna sa kanila, pero sila ang napiling makasama nina Jaya at Allan K. , sa masayang show. Masayang ibinalita ni Geoff na ilalabas na ang album ng Top 6 ng Are You The Next Big Star? at susunod na ang kanyang solo album. Ipinagmamalaki rin ni Geoff ang gitara na bigay ni Regine Velasquez sa kanila nina Jay at Alex Castro. * * * Magpa-pilot bukas sa GMA-7 sa afternoon block ang Freestyle tungkol sa nakakalokong triangle ng pag-ibig sa basketball. Iikot ito sa love triangle nina Alvin, Shirley, at Aaron na mangyayari sa favorite tambayan ng mga Pinoy: ang basketball court. Kilalanin si Alvin, mayaman, pero mayabang sa basketball captain ng TRIO team na walang alam sa pag-ibig. Ang totomboy-tomboy na si Shirley ang magtuturo sa kanyang umibig. Katulad ni Alvin, mayabang din si Aaron na inampon ng ama ni Shirley. Knatatakutan siya ng tao, pero namamaluktot 'pag kaharap si Shirley. Bale, umiibig si Aaron kay Shirley na baliw naman kay Alvin na mahal lang ang sarili. Sino ang makakatuluyan nino? Sino ang magtatagumpay sa loob at labas ng basketball court? Source: People's Tonight |