Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kim, crush sina Piolo at Sam

Hindi namin alam kung dapat bang ipagpatayo ng monumento or sabitan ng medalya itong si Mura, na kasama sa cast ng Supah Papalicious nina Vhong Navarro, Makisig Morales at Valerie Concepcion. Kasi, nu'ng tanungin ng yours truly si Mura kung ano ang "s...

 

Kim, crush sina Piolo at Sam

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

Hindi namin alam kung dapat bang ipagpatayo ng monumento or sabitan ng medalya itong si Mura, na kasama sa cast ng Supah Papalicious nina Vhong Navarro, Makisig Morales at Valerie Concepcion.

Kasi, nu'ng tanungin ng yours truly si Mura kung ano ang "supah" o super niyang katangian, ang sagot nito, "Super kayod po ako para may maipadala sa mga kapatid ko sa probinsiya. Nagagalit po sila 'pag wala po akong ipinadadala. "

When asked kung maliliit pa ang kanyang mga kapatid sa probinsiya, hindi na raw, aniya.

Pulos malalaki na, mas malalaki pa sa kanya. Siya lang daw ang masasabing unano sa kanilang pamilya and he's already 32 years old.

Naku, Mura, there's a saying na. .. "Don't give them fish, teach them to fish," 'yon lang para maging supah small but teribol ka talaga, tsuk!

* * *

Hindi lang pala si Zara Aldana ang kumpirmadong tsugi sa nilulutong show ng ABC-5 kundi pati na ang comedian na si Jeff Tam.

Pero hindi naman daw kay Zara naimbiyerna ang komedyante sa pagkakalaglag sa kanya sa supposed to be ay isang cooking show, kundi sa kamalasaduhan ng producer, ayon sa isang impormante.

Gayunpaman, ayon sa manager ni Zara na si Joey Aquino ng FAM, ipagdarasal na lang nila na harinawa'y matuloy ang nilulutong cooking show kahit hindi na si Zara ang maghu-host.

One more thing, halos araw-araw naman ay busy itong si Zara bilang isa sa assistants ni Kris Aquino sa Wheel of Fortune, na mapapanood tuwing 6 p. m. sa ABS-CBN.

* * *

Sa launching ng Banana Peel nina Paul and Nikki Ng, kung saan endorser ay si Maja Salvador, feel na feel namin ang muling pagbabati ng aktres at ng kanyang manager-discoverer na si Chit Ramos.

'Di ba't nagkaroon ng tampuhan ang dalawa a few months ago?

Kumbaga, all is well that ends well, although dalawa na ngayon ang manager ni Maja. Katuwang ni Chit ang Star Cinema managing director na si Malou Santos sa pagpapatakbo ng career ng dalaga. Well, sabi nga, two heads are better than one.

* * *

Si Sam Milby ang muling nagpauso ng awiting My Girl, na ginamit ding theme song ng hit Koreanovela na may parehong title.

Si Kim Chiu ang napili ng ABS-CBN na gumanap sa Tagalog version ng My Girl.

Pero, hindi si Sam ang magiging partner ni Kim, kundi ang perennial ka-loveteam na si Gerald Anderson pa rin.

Aminado naman si Kim na crush niya sina Papa Sam at Papa Piolo Pascual.

Dream daw niya'y makasayaw ang dalawa sa nalalapit na debut party niya.

Well, sabi nga sa preskon nila ni PDA scholar Yeng Constantino. .. dream . .. and dream big! Devah naman, Ronald Padriaga?

Source: People's Tonight