Mar 13
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kim, na-trauma kay Anita

Author: Vir Gonzales

Dapat lang sigurong ipako sa krus nang patiwarik kung sino 'yung lapastangang nang-holdup sa premyadong aktres na si Anita Linda na naging dahilan para ma-late siya sa presscon ng Tayong Dalawa nu'ng Miyerkules.

Mabuti na lang daw at naisara niya ang bintana ng taksing sinasakyan niya. Wala na talagang pinipili ang mga holdaper, huh!

Laking pasasalamat naman ng aktres na may trabaho siya ngayon at kasama pa niya sina Helen Gamboa, Cherry Pie Picache at iba pang mahuhusay na artista.

Samantala, nilinaw ni Kim Chiu na hindi totoong na-trauma sa mga eksena niya with Anita na sinasampal siya nito sa Tayong Dalawa.

"Sabi ko nga, sana take one lang lagi para hindi siya masaktan," sambit ng beteranang aktres.

* * *

Paanong mahihiwalayan ni Dingdong Dantes si Marian Rivera, eh, heto't may bago silang teleseryeng gina-gawa, ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang na obra sa komiks ni Direk Carlo J. Caparas.

Sabi ng iba, malas daw ang tambalan ng dalawa. May malas ba na nag-aakyat ng pera sa GMA-7?

* * *

Hindi totoong mag-aasawa na sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia ng Sexbomb girls. Kuryente lang ang nababalita sa stars ng Tinderella.

Sabi nga nila, hindi raw sila sabay mag-aasawa dahil tiyak daw na mamomroblema ang manager nilang si Joy Cancio.

"Bread winner kami pareho ni Jopay. Maraming umaasa sa amin," katwiran pa ni Rochelle.

* * *

Puring-puri si Fredmoore delos Santos ni Direk Cyril Lorenzana sa pelikulang ginawa nito na may title na The Makati Mayor Jejomar Binay Story. Katambal ni Fredmoore sa movie si Aiza Marquez.

Nagustuhan din ni mayor ang akting ni Fredmoore na namatayan lang ng asawa kamakailan.

"Kailangan kong magtrabaho. The show must go on kahit malungkot ang buhay," wika pa niya.

* * *

Dumating sina Piolo Pascual, Lorna Tolentino, Gina Alajar sa book launching ni Ricky Lee na ginanap sa UP.

Nagpa-picture pa sina LT at Gina kay Piolo na napaka-pogi raw pala in person.

* * *

Nag-welcome party kami para kay Joselle German ng Lolomboy Bocaue, Bulacan na kagagaling lang ng Dubai.

Birthday greetings to Aracelli Rosal at Purification de Jesus ng Baliuag, Bulacan on Jan. 18 and 23, Jun- Jun Pascual nu'ng Jan. 1 at Melchor Bautista nu'ng Jan. 6.

Source: People's Tonight