Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kim, patay-malisya kay Gerald

NAGSISIMULA nang gumiling ang camera para sa local version ng My Girl starring Gerald Anderson and Kim Chiu. Naibalita na nga rin daw ito sa Korea at excited na rin daw ang mga Korean sa ating bersyon. Instead of strawberry fields na unang plano, gina...

 

Kim, patay-malisya kay Gerald

Column: Hot 'n Spicy
Author: Vinia Vivar

NAGSISIMULA nang gumiling ang camera para sa local version ng My Girl starring Gerald Anderson and Kim Chiu. Naibalita na nga rin daw ito sa Korea at excited na rin daw ang mga Korean sa ating bersyon.

Instead of strawberry fields na unang plano, ginawa nilang mango plantation ang location ng first few episodes.

Matatandaang sa original version, orange plantation ang ginamit. Dito kinunan ang ilan sa mahahalagang eksena ng serye.

Pero dahil "Philippinized" version ito, tama lang naman na mango plantation ang gamitin.

Dahil hinihiling ng story, panay daw ang pag-aaral ni Kim sa pagsasalita ng Mandarin para sa kanyang role. May language coach ang young actress sa taping para i-correct siya sa mga maling salita.

Kukunan ang serye sa ilang scenic locations, tulad ng Tagaytay, Batangas at Marikina. Bukod kina Gerald at Kim, kasama rin sa My Girl sina Enchong Dee, Alex Gonzaga, Regine Angeles, Niña Jose at David Chua.

* * *

SPEAKING of Kim, naaliw kami nang sabihin sa latest TV interview na hindi niya alam kung nanliligaw sa kanya si Gerald.
B
inigyan na nga siya't lahat ng kotse, hindi pa niya masabi kung nanliligaw ang kapareha?

May pagka-manhid kaya ang young actress o nagpapatay-malisya lang? Para bigyan siya ng kotse ng isang guy, hindi pa ba malinaw sa kanya na nanliligaw na nga sa kanya si Gerald?

Actually, bihira sa isang nanliligaw lang ang nagreregalo ng kotse, kaya masasabing isang kadakilaan ang ginawa ni Gerald considering na hindi pa naman kalakihan ang kinikita niya.

Ka-touch nga 'yung statement niya na pinag-ipunan niya ang pambili ng car para iregalo sa 18th birthday ni Kim.

Kaya para sabihin ni Kim na hindi niya alam na nanliligaw sa kanya si Gerald, parang hindi naman yata kapani-paniwala.

Anyway, matapos ang bigayan ng kotse, fans are expecting na ang susunod na balita kina Kim at Gerald ay sila na dahil lalabas namang kawawa ang young actor kapag binasted niya matapos tanggapin ang car.

* * *

ISA sa napapansin sa horror-seryeng Maligno ang child star na si Carlo Lacana bilang Angelo, ang batang demonyo.

Hindi mo iisiping sa napakaamo niyang mukha, isa siyang kampon ng kadiliman.

Sa taping, well-loved ang child actor ng buong staff at cast dahil na rin sa taglay na maamong mukha. In fact, pati ang lead star na si Claudine Barretto, tuwang-tuwa sa kanya at habang tumatagal ay naging anak na rin ang turing niya rito.

Samantala, happy naman ang buong staff at cast sa success ng Maligno at sa magagandang feedback na natatanggap nila.

Walang kaduda-dudang mas nakakatakot pa ito kesa sa unang Susan Roces Cinema Collection na Patayin sa Sindak si Barbara.

Ang alam namin, ilang episodes na lang at matatapos na ang Maligno at ang susunod namang mapapanood kay Claudine ay ang Iisa Pa Lamang teleserye with Gabby Concepcion.

* * *

PINAGKAGULUHAN ng press ang pina-raffle na Smart broadband Internet ng nanay ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty sa get-together dinner last Saturday sa bahay nila sa Taytay, Rizal.

Paano nga naman, ang nasabing gadget ay gamit na gamit ng press kaya tuwang-tuwa ang mga nanalo.

Anyway, ang nasabing get-together ay para makapag-unwind ang ibang press sa mala-resort house na mansion with matching swimming pool.

Nag-enjoy naman ang lahat, lalo na sa masaganang dinner na kanyang inihain. Feeling naming, nasa resort kami habang nagsipag-swimming ang iba.

Killjoy lang si Tita Mercy Lejarde na nangakong magsusuot ng bathing suit, pero pagdating, nahiya yata't hindi na naligo.

Anyway, maraming salamat kay Mommy Pinty. Hindi na namin inabutan si Toni dahil sa super hectic schedule nito that day.

Source: People's Tonight