| | Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme rated PG-13 by the MTRCB Author: Jocelyn Dimaculangan "Wala akong double dun!" buong pagmamalaki ni Eugene Domingo pagkatapos ipalabas ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme sa press preview nito kagabi, August 27, sa Shang Cineplex, Mandaluyong City.
Tinutukoy niya ang foot chase scene kunsaan hinabol siya ng mga kidnappers at lumangoy pa siya sa putikan. Marami rin siyang action scenes at mayroon pang eksena kunsaan umangat pa siya sa ere ala Matrix. Sa comedy film na ito, ginampanan ni Uge ang dual roles na Kimmy at Dora, kambal na anak na magkaibang-magkaiba ang ugali. Si Kimmy ay isang strict executive samantalang si Dora ang isang sweet na babae na kaibigan ng lahat.
Nagkaroon ba si Uge ng mga pasa dahil sa action scenes na ginawa niya para sa pelikula? "Oo, nakita ko nga ang pasa ko, maliit dito sa [kanang braso]. Kunyari lang na may double ako pero yung double na yun, taga-check lang kung ikamamatay ko. Ako pa rin naman ang gumagawa-lahat yun pati yung action scenes pati yung paglangoy sa pinaglalanguyan ng kalabaw."
Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Uge (palayaw ni Eugene) tungkol sa kanyang launching film na ipapalabas sa 90 theaters simula September 2, 2009.
Ano ang kaba niya ngayong malapit na ang opening night ng Kimmy Dora? "Excited na, pero surrender [kay Lord]. There's no use para mag-suffer from worrying. Alam ko namang pinabutihan naman namin at pinahintulutan ng Diyos na umabot sa ganito.
"Advice nga sa akin ni Ai-Ai [de las Alas], wag na kong mag-worry. Every now and then, nag-uusap at sinasabi ko sa kanya kung anong nararamdaman ko and she never fails to advice me. Sinasabi niya sa akin, 'mag-pray ka lang at surrender ka.' At tama siya.
"I have to ask advice from her [Ai-Ai] kasi senior siya, e. Nakakalma ako pag nararamdaman ko ang malasakit o tulong mula sa ibang tao."
Pinag-uusapan ba nila ang tag na binibigay kay Uge bilang Next Comedy Queen?
"Hindi na kami umaabot sa ganun dahil hindi yun ang essence ng friendship namin. Iba ang pinupuntahan ng usapan namin."
Ano na ang plano niya matapos ang proyektong ito? "After this, I really, really hope to slow down and rest for a while kasi para akong nasa karera simula pa nung May. For health reasons, you need to slow down a bit and nourish yourself again. Kasi ang artista, puhunan niya ang katawan niya."
Ano ang pinaka-aabangan niyang eksena sa pelikulang ito? "Inaabangan ko kayo! [referring to the press]
Ito ba ang unang beses na mapapanood niya ang Kimmy Dora? "Napanood ko lang nung dubbing saka sa studio paputol-putol. So hindi ko pa napapanood ng buo, may music, may special effects."
Ang naturang special effects ng comedy film na ito ay ginawa pa sa Hong Kong.
Excited rin ba siyang makita ang chemistry nila ni Dingdong Dantes onscreen? "Siya talaga ang tama para sa role na Johnson. Ang ganda ng pagkakaganap niya. Hindi namin inaasahan na magte-take siya ng risk. Napaka-exciting."
May times ba na natatakot siya kay Direk Joyce Bernal habang ginagawa ang pelikulang ito? "Yes! May times na para siyang teacher. Saka hindi mo maintidihan minsan kung nagbibiro o napipikon."
Paano sila magtalo ni Direk Joyce? "Hindi naman tumataas ang boses niya pero sinasabi niya, 'Bahala ka na!' Pag ganun, ibig sabihin nun, sumunod ka na Uge, wag ka nang mag-discuss at hindi kayo uusad. Ang most of the time, tama siya."
Kung idedescribe niya ang sarili niya, siya ba ay tulad ng bugnutin na si Kimmy or isa siyang sweet person tulad ni Dora? "I think most of the time, I'm Kimmy. Like now, I want to be Kimmy to you."
Kumpleto kagabi ang mga miyembro ng Spring Films, ang producers ng Kimmy Dora. Ito ay sina Piolo Pascual, Joyce Bernal, Ericson Raymundo, at Shayne Sarte. Bago magsimula ang screening, sinabi ni Piolo sa press na natamo nila ang rating na PG-13 mula sa Movie and Television Review and Classification Board.
"I'm so thankful to Shangri-La for allowing us to have a press preview. Solar [ang distributor nf film] na rin mismo ang nagrequest na magkaroon ng press preview. Bilib sila sa pelikula so nakakataba ng puso. Initially, we just wanted to have a celebrity preview lang a day before the showing. We're very honored.
"Galing ako sa MTRCB kanina with Direk Joyce and we got a PG-13 rating, which is good."
Ano ang reaksiyon niya nung mapanood niya ang buong pelikula? "Ilang beses ko na napanood pero tumatawa pa rin ako. Sabi nga ni Direk Joyce, tumahimik na lang ako kasi nagmukuha akong fan. For some reason, hindi siya nakakasawa panoorin."
Ayon kay Uge, mahal na niya talaga si Piolo dahil sa pag-produce niya sa pelikulang ito. "Mas mahal ko siya kasi grabe ang ginawa niya sa pelikulang ito. Pag napanood n'yo, makikita n'yo na hindi lang isa, dalawa o tatlong characters na ginampanan niya dito. Hindi biro yung ginawa niya, hindi biro yung ilublob siya sa putik. Paglaruan siya sa set ng mga characters. She's very good and really brilliant. Makikita natin kung gaano kalawak ang kaalaman niya sa acting sa pelikulang ito," puri pa ni Piolo sa lead actress ng Kimmy Dora.
Nakausap rin ng PEP si Chris Martinez, at kinuwento nito ang inspirasyon para sa script ng Kimmy Dora. "Ang gusto ko kasi ang first solo film niya, maging challenging talaga para sa kanya," ani Chris. "Ano pa ba ang mas challenging? Ang susunod nun, triplets na. It's a landmark or a milestone for any actress to do a dual role. Hindi pa niya nagagawa yun, e.
"Nagsimula yun kung paano ko mai-stretch ang limits at health ni Eugene Domingo. Ito ang pelikulang hahamon sa kalusugan at katinuan ni Eugene. Nalampasan naman niya lahat ng pagsubok sa pelikulang ito."
Ayon kay Chris, na siyang nagdirek naman kay Uge sa Cinemalaya entry na 100, nagsimula silang gawin ang proyektong ito isang taon na ang nakalipas. Na-conceptualize niya ang istorya na ito noong panahon na nasa 2008 Pusan International Film Festival siya. Source: Philippine Entertainment Portal |
|