Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

King Kong, nasunog!

King Kong, nasunog!

Author: Jojo Gabinete

NAMATAY noong Linggo sa Universal Studios si King Kong dahil sa sunog. Kinumpirma ng mga fire official na nasunog ang King Kong building sa back lot ng Universal Studios.


Nadamay rin sa malaking sunog ang New York Street at Hill Valley (ang ginamit na set ng Back to the Future at current set ng The Ghost Whisperer).


Kinain din ng apoy ang video vault na naglalaman ng 50,000 videos at reels ng mga pelikula ng Universal Studios.


Walang iniulat na nasaktan sa sunog na tumupok sa limang gusali sa back lot ng sikat na Hollywood studio.

Source: Abante