Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kissing scene kay Dingdong pinaghahandaan ni Eugene

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

MAY panibagong "pa-sabog" si Dingdong Dan-tes, isa sa hottest actors sa showbiz ngayon.

Ito ay ang kanyang brand new, collectors' item na DVD.

Entitled The Dingdong Dantes Experience, ito ay mula sa Universal Records na magkakaroon ng grand launching sa SOP ng GMA-7 this Sunday.

Kung Dingdong Dan-tes supporter, admirer or diehard fan ka, then, hindi mo dapat palampasin ang kakaibang personal DVD na ito ni Dong na may three parts -- reality/dreams/fantasy.

Nakakatuwa and exciting ang detalye, pero ibi-bitin muna namin kayo kung anu-ano ang nakapaloob sa naturang album.

Ilan sa nagdirek ng kanyang MTV ay sina Louie Ignacio (ng SOP at Sis), Rico Gutierrez (ng Showbiz Central), at ang award-winning MTV director na si Treb Mon-teras.

Ang DVD ni Dingdong ay may kasama ring special photos ng aktor na siguradong magugustuhan ng Dong fanatics!

* * *

Speaking of Dingdong, tuluy-tuloy pa rin ang shooting niya bilang leading man ni Eugene Do-mingo sa launching movie ng mahusay na komed-yana, ang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, na may September 2 playdate.

Sa pictorial ng said movie nakakatuwang makita in one studio sina Dong with Piolo Pascual, ang producer ng movie under his Spring Films.

At siyempre pa, Star Cinema ang magre-release ng nasabing movie.

Ayon kay Piolo, friendship and trust sa talent ang namayani sa kanila nina Eugene at Direk Joyce Bernal, na ilang beses na niyang nakatrabaho, kaya nabuo ang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme.

At dahil good friend din ni Direk Joyce si Dingdong (direktor niya sa kanyang mga teleserye sa Kapuso), ay nakum-binse itong maka-partner ni Eugene.

Suwerte naman si Uge (tawag kay Eugene) na ang haba-haba ng hair dahil si Piolo na ang produ ng kanyang launching flick, si Dong naman ang leading man.

"Tuwing umaga nga, kinukurut-kurot ko ang sarili ko kung totoo bang nangyayari ito o nananaginip lang ako," kuwelang chika ni Eugene.

"Sa kissing scene nga namin ni Dingdong na kukunan pa lang, i-lang beses na ako nagpa-prohylaxis, keseho-dang manipis na ang mga ngipin ko sa kaki-cleaning! Hahaha!" natatawang kuwento pa nito.

As for Piolo, we're so happy for him and talagang may puso ito sa showbiz industry.

Ito rin ang second attempt niya to produce a film.

Una na ang Manila, ang twin-bill film na prinodyus at pinagbidahan niya, directed by award-winning new filmmakers na sina Adolf Alix Jr. and Raya Martin.

Ngayong gabi (July 17), ang Manila ni Piolo ang naimbitahang ma-ging opening film ng pinananabikang Cinemalaya Cinco (5th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2009) sa CCP, Roxas Boulevard.

Kabilang sa Cinemalaya full-length film entries this year ay ang Astig nina Dennis Trillo, Sid Lucero, Edgar Allan Guzman, and Arnold Reyes (produced by Boy Abunda and Boy So); Ma-ngatyanan directed by Star Awards Best Digital Director Jerrold Tarog; Dinig Sana Kita, kung saan bida ang isang real-life deaf actor and directed by Mike Sandejas.

Andiyan din ang Enkuwentro, starring Felix Roco, Celso Ad Castillo, directed by Pepe Diokno; Sanglaan starring Tessie Tomas, Ina Feleo, Joem Bascon; Ang Panggagahasa Kay Fe starring Irma Adlawan, Noni Buencamino, and TJ Trinidad; Colorum with Alfred Vargas; Nerseri with Jaclyn Jose; among others.

Ayon sa CCP, "sel-ling like hotcakes" ang tickets ng Cinemalaya films this year.

At mukhang mas marami ang magiging audience.

Sa mga mahihilig sa quality Pinoy indies, huwag palampasin ang annual filmfest na ito sa CCP, and it's worth the cinema experience.

P100 lamang ang regular ticket at may discount for students.

For inquiries, please log on at www. cinema-laya. org. ph.

Source: Taliba