|
|
| Kissing scene kay Kris iniyakan ng nanay ni AljurAuthor: Noel Asiñas Ikinagulat ni Kris Bernal nang makarating sa kanya na umiyak ang mother ni Aljur Abrenica nang mapanood ang kissing scene nila sa Nandito Ako. .. Nagmamahal Sa 'Yo na idinirek ni Maryo J. delos Reyes under Regal Films. Baligtad kasi ang nangyari. Sa halip na mother ni Kris ang mapaiyak sa naturang kissing scene ay 'yung mother pa ng lalaki ang napaiyak. Nasabi tuloy ni Kris na bunso si Aljur at mahal na mahal ng kanyang parents at baka raw nag-aalala ang mga ito na tulu-yan nang mabaling ang attention ng pinakamamahal na anak sa kanya. Anyway, sa presscon ng movie na showing na sa Sept. 30 ay inamin ni Kris na tumagal nang 10 minutes ang kissing scene nila ni Aljur. "Kung napaiyak ang mother ni Aljur sa halikan namin ni Aljur. Ano pa kaya kung mapapanood nila ang iba pang halikan namin ng anak nila," bungad ni Kris. "May kissing scene kami na tumagal na sampung minuto. Iba't ibang anggulo ang shot ni Direk Maryo J pero nakadikit pa rin ang aming mga labi. " Hindi ba naman sila nag-init habang kinukunan ang kanilang halikan? Tawa ang sagot ang Kris at walang malisya sinabi na nag-init daw siya at ganoon din daw si Aljur. Aminado rin si Kris na mahal niya si Aljur pero natatakot pa rin daw siyang sagutin na ito dahil baka maulit ang dinanas sa na-ging non-showbiz BF. "Natatakot na akong magmahal. Kasi sobra ta-laga akong magmahal. Nakakalimutan ko ang lahat kapag ako ay nagmahal. Sa kanya na lang ako nakasentro at napapabayaan ko na ang iba ko pang dapat gawin," ani Kris. Aminado rin si Kris na selosa siya at natatakot siya na masyadong lapitan ng mga babae si Aljur at ito ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway. Inamin naman ni Aljur sa harap ni Kris: "Yan ang akala mo. Seloso rin ako pero 'di ko lang ipinakikita. Kung darating ang panahon na may makitang lalaki si Kris na siyang magpapaligaya talaga sa kanya ay ipauubaya ko na lang ang aking pagmamahal. " * * * Naganap na nga ang inaabangan ng press na paghaharap ng dating magkaibigan na si-na Sunshine Dizon at Iza Calzado. Last Tuesday ay sabay nag-launch ng bagong show ang dalawa. Si Sunshine sa remake ng blockbuster movie noon ni Nora Aunor na Tinik Sa Dibdib at kay Iza Calzado naman ipinagkatiwala ng GMA-7 ang remake ng Kaya Kong Abutin Ang Langit ni Maricel Soriano. Sa presscon ng back-to-back Dramarama sa Hapon ng GMA-7 ay unang ipinakilala ang cast ng Kaya Kong Abutin Ang Langit saka isinunod ang cast ng Tinik sa Dibdib. Iilan lang ang nakapansin na si GMA -7 SVP for Entertainment Wilma Galvan-te ang gumawa ng paraan para tuluyang mawala ang tampuhan ng dalawa. Nang umakyat sa stage si Ms. Wilma para magpasa-lamat sa buong cast ng da-lawang SineNobela ay tinawag nito sina Sunshine at Iza para magpakuha silang tatlo ng picture. Nasa gitna ng dalawang sikat na actress si Ms. Wilma nang bigla itong umalis kaya naiwang magkatabi sina Sunshine at Iza, at saka tumabi sa dalawa sabay sabing, "O, ayos na, ha!" Nagtawanan ang tatlo at doon natapos ang anumang tampuhan mayroon kina Sunshine at Iza. * * * Hiningan namin ng reaction sina Sunshine at Iza sa back-to-back show nila na magsisimula na sa Sept. 28, at mariin nilang itinanggi na may tampuhan sila at nakiusap na huwag na silang pagkumparahin at intrigahin. Pero kahit ayaw nilang maintriga ay hindi maiaalis na pagkumparahin sila la-lo't magkasunod ang kanilang show. Mauungkat kung sino ang mas mataas ang rating at sino sa kanila ang nakapagbigay ng justice sa role na ginampanan noon ni Maricel Soriano sa Kaya Kong Abutin Ang Lahat at ni Nora Aunor sa Tinik Sa Dibdib. "Naku! Sana naman ay huwag na kaming pagkumparahin at paglabanin ni Sunshine. Kasi ang mata-tawag na kalaban ng show namin ay ang kabilang network at hindi kaming kapwa-Kapuso, d'i ba?" say ni Iza * * * Umiral na naman daw ang pagiging taklesa ni Kris Aquino dahil sinabi nito sa SNN na kung papasok umano sa pulitika si Willie Revillame ay hihikayatin niya itong tumakbong ma-yor sa Quezon City. Natural na nasaktan ang supporters ni Q. C. Vice Mayor Herbert Bautista dahil lumalabas na wala itong tiwala sa kakayahan ni Bistek, tatakbong mayor sa Kyusi sa 2010. Hindi yata feel ni Kristeta na suportahan si Bistek na susunod Quezon City mayor o baka hindi niya alam na balak tumakbong mayor ng Kyusi si Bistek? Sabi tuloy ng kampo ni Bistek, paano naman daw kung sabihin nila na 'di nila susuportahan ang kandidatura ni Noynoy sa 2010? Hindi naman daw nasaktan si Vice Herbert nang iniindorso ni Kris si Willie para tumakbong mayor sa Kyusi. Natawa at napailing na lang ito dahil hindi na raw bago sa kanya na may taga-showbiz na hindi siya su-suportahan. Ang mahalaga raw, ani Vice Herbert, ay makapaglingkod nang tapat sa kanyang constituents. Source: Taliba |