Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kissing scene nina John Lloyd at Luis tinanggal sa movie

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Wala nang aabangan ang mga bading na kissing scene nina Luis Manzano at John Lloyd Cruz sa In My Life.

Ipinatanggal na raw umano ang eksenang ito dahil ang katwiran ay hindi naman gay movie ang pelikula.

Katuwiran ni Direk Olive Lamasan, hindi raw makakaapekto ang pagtanggal ng kontrobersiyal na eksena sa ganda ng movie.

Istorya ng In My Life ang isang teacher na may anak na bading na nasa abroad, maysakit pala ito ng cancer at doon ay nakatagpo ng kapwa bading na magmamahal sa kanya.

Walang dudang ipinakita ni Lloydie ang galing niya sa drama kaya marami tuloy ang nagsabing parang lumabas na supporting role na lang si Vilma Santos sa pelikulang ito.

At this point of her life, pagkatapos nang mahigit apat na dekada sa showbiz at pagkakamit ng hindi na mabilang na acting awards at recognition ay wala nang dapat patunayan pa si Ate Vi sa kanyang pagiging aktres.

Kaya hindi ikinadismaya ng Star For All Seasons ang intrigang "sinapawan at supporting" lang daw siya kina Luis at John Lloyd sa movie.

Nagpasalamat pa nga si Ate Vi sa Star Cinema dahil napakaganda ng istorya ng In My Life kaya niya ito tinanggap.

"No big deal 'yung sina-sabi nilang naging suporta lang ako nina John Lloyd at Luis sa In My Life. Ang importante ay gusto ko 'yung project," says Ate Vi.

Proud na proud din siya sa ipinakitang improvement sa acting ng anak na si Luis.

Hindi niya inakalang may itinatagong galing pala sa pag-arte ang anak na mahilig magbiro, makulit pero super-malambing.

* * *

Grabe ang mga kabataan na dumagsa sa audition ng StarStruck V sa iba't ibang lugar sa ating bansa.

Ibinalita sa amin na doble ang bilang ng mga kabataan na nagpa-audition sa SM Davao na nanggaling pa sa General Santos at Sarangani Province.

Imagine, halos tatlong oras ang ibiniyahe ng mga ito ma-karating lang sa SM Davao kung saan ginanap ang audition sa StarStruck V.

Tila maraming taga-Mindanao ang mapapasama sa reality artista search na ma-lapit nang mapanood sa Kapuso.

May mga sumali rin na Fil-Am at may potential na maging artista kung saan karamihan ay favorite sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Nadine Sa-monte, Iwa Moto at iba pa.

May mga Chinese mestizo, Spanish mestizo at German-Filipino na sumali at tiyak na threat sa StarStruck aspirants ng Metro Manila.

May mga look-a-like rin ng mga artista ang nakipila sa audition at ilan ay kamukha nina Dingdong Dantes, Kris Bernal at Suzuki ng Survivor Palau.

* * *

IGINIIT nina Michael V at Ogie Alcasid na kaiba ang kanilang pag-atake sa kanilang characters sa pelikula nilang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat na joint venture ng GMA Films at Regal Films.

Ayon kay Michael V, itinanghal na Best Actor sa 1st MTRCB Awards, iba ang istorya ng pelikula kumpa-ra sa ginagawa nina Yaya at Angelina sa Bubble Gang at Hole in the Wall.

"Sa movie ay malalaman na nila ang apelyido ni Yaya at kung sino ang tunay na mga magulang ni Angelina," bungad ni Michael V.

"Kakaiba talaga ito at mag-e-enjoy kayo sa mga gagawin namin ni Angelina, promise. "

Makakasama nga pala nina Ogie at Michael V sa Bubble Gang ngayong Biyernes sina Michelle Madrigal at Jacky Woo.

* * *

Hindi natakot si Glaiza de Castro na kainisan sa kanyang kontrabida role sa Stairway to Heaven at mang-aapi kay Jodi na gagampanan naman ni Rhian Ramos.

Sampal at sabunot lang naman ang matitikman ni Rhian kay Glaiza, na buong ningning na inaming hindi siya kinabahan at natakot habang ginagampanan ang role bilang malupit na stepsister ni Jodi.

Ano naman ang masasabi niya sa tandem nina Rhian at Dingdong?

"Bagay po sila at nai-bibigay nila ang hinihingi ng istorya. Ang galing nina Rhian at Dingdong at mai-in-love kayo sa istorya ng Stairway To Heaven. "

Source: Taliba