Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kissing scene nina Robin at AiAi naka-take 24

Kissing scene nina Robin at AiAi naka-take 24

Author: Veronica R. Samio
Column: Sanga-sangandila

Umabot na sa tikiman ng laway ang usapan ng press at nina Robin Padilla at AiAi delas alas nang may biglang magpaalala sa dalawang artista na wholesome ang pelikulang ginagawa nila sa kasalukuyan, ang Ikaw Pa Rin Bongga Ka Boy! na kung saan ay mayroon silang isang torrid kissing scene na inabot ng maghapon para makunan ang 24 na takes. Wala namang nasabi o reklamo si AiAi maliban sa "Okay lang, ang sarap eh!"

First time na magkakasama ang dalawa sa isang pelikula pero, unti-unti ay napapatunayan ni AiAi ang mga nababalitaan niyang magagandang katangian ni Binoe, lalo na pagdating sa kanyang mga leading ladies.

"Napakabait niyang tao at maasikaso, dinadalhan nga niya ako ng salad sa set," pagmamalaki ng comedy concert queen.

Bilang ganti, minamasahe ni AiAi si Binoe. Pinatutulog pa niya to sa kanyang kuwarto. Bonding time nila ang paglalaro ng chess.

Nang may magtanong kung mai-in love din ba siya kay Binoe, sinabi ni AiAi na "Oo kasi nakakatawa siyang tao at madali akong ma in love sa mga nakakatawang tao. "

* * *

Mukhang si Valerie Concepcion ang lalabas na pinaka-masuwerteng alaga ni Becky Aguila. Bukod sa may movie itong ginagawa ay araw-araw pa itong napapanood sa Wowowee bilang isang co-host na nagbibigay sa kanya ng ibayong kita at popularidad.

May bago rin siyang endorsement, isang food supplement, na pinaniniwalaan niyang siyang dahilan ng maganda niyang pangangatawan.

"Ni-research ko pa ang Slenda bago ko ginamit. Meron itong resveratrol na matatagpuan sa red wine. It slows down the aging process and improve the body's metabolic functions. Kaya slender ako at sexy pa," pagyayabang pa ni Valerie.

* * *

Sayang ang pagkakataon na ibinibigay ng isang kumpanya ng telebisyon sa Mexico kay Marian Rivera para makapag-aral sa Centro de Educacion Artistica.

Isang tatlong taong kurso ang nasabing scholarship at imposibleng makaalis ito dahilan sa rami ng kanyang commitments na ang latest ay ang teleseryeng Dyesebel para rin sa GMA 7.

Buti't pumayag ang Televisa executives na sa halip na tatlong taon ay tatlong linggong crash course ang kukunin ng aktres na maghihintay pa rin na makaluwag ang sked niya bago niya magampanan.

Impressed ang mga bossing ng nasabing TV company kay Marian dahil nalaman nilang half-Spaniard ito at fluent sa lengwaheng Kastila.

* * *

Naaksidente si Sid Lucero kamakailan sa taping ng Kung Fu Kids sa Banahaw. Sa isang eksena kung saan makikipaglaban ang Kung Fu master na si Krung Krung (Sid) sa mga kalaban niyang ninja, nagkamali ng puwesto si Sid, at bumagsak sa binti niya ang isang stuntman.   Natigil ang taping at agad dinala si Sid sa ospital. Ngayon ay nakasuot siya ng leg immobilizer at kasalukuyang nagpapagaling. Naka-schedule rin siyang magpa-MRI para malaman ang tunay na lagay ng kanyang binti. Babalik siya sa paggawa ng sariling stunts kapag gumaling na ang binti niya.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star