Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kissing scenes o love scenes with Richard, gagawin ni KC para sa fans

Annulled na ang kasal nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Ito ang isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon, laman ng talk shows at mga pahayagan. Matatandaang labing-tatlong taon ding nagsama sina Lotlot at Monching pero nauwi rin sa hiwalayan ang...

 

Kissing scenes o love scenes with Richard, gagawin ni KC para sa fans

Column: Eksenadora
Author: Chan-Chan Torres

Annulled na ang kasal nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Ito ang isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon, laman ng talk shows at mga pahayagan.

Matatandaang labing-tatlong taon ding nagsama sina Lotlot at Monching pero nauwi rin sa hiwalayan ang matamis nilang pagsasama kahit pa may apat silang anak.

Nu'ng naghiwalay na ang dalawa, naging usapin ang madalas nilang pag-away na tungkol sa pagiging dependent umano ni Monching sa ina nitong si Pilita Corales. At that time rin kasi, wa-lang masyadong proyektong ginagawa ang aktor.

Mabuti naman at aktibo na muli si Monching sa tele-bisyon, kahit madalas ay kontrabida ang karakter ni-ya. Kesa naman sa bahay lang siya tumigil, noh.

Sa isang panayam, mariing sinabi ni Lotlot na umalis siya noon sa bahay nila ni Monching dahil hindi na sila nagkakasundo. Dahil things were not working anymore para sa kanila.

Pagdating sa mga anak nila'y shared custody ang ibi-nigay umano ng korte.

Ang unang napabalita ay ang mga babaing anak nila'y na kay Monching at ang bunso nilang lalaki ay nasa poder naman ni Lotlot.

Hindi pa namin tiyak kung ngayon ay iba na ang kani-lang arrangement.

It's understandable kung hindi man naging madali para sa dalawa na maging magka-ibigan ulit.

Hindi naman overnight process 'yun na okey ka na agad. It takes time.

Ngayon, balitang civil na-man daw sina Lotlot at Mon-ching. Sinabi rin ng aktres na hindi siya galit sa dating bi-yenang si Pilita.

Aniya, sumama lang daw ang loob niya.

Si Lotlot ay aktibo pa rin sa kanyang career bilang aktres. Napapanood siya sa Dyesebel sa GMA-7 bilang si Banak na nagpalaki at umaruga kay Marian Rivera.

* * *

Panauhin si Charice (hindi na po niya dinadala ang apelyidong Pempenco) sa The Buzz nu'ng Linggo at ibinali-ta ng dalagita ang achievements niya sa abroad.

Naging maingay ang mga balita kay Charice nu'ng ma-ging guest siya sa Ellen De Ge-neres show sa Amerika. Napanood kasi siya ng sikat na TV host sa You Tube kung kaya't naging interesado ito sa kanya. Inimbitahan siya nito na mag-guest sa show na ipinapalabas internationally. Napabilib ni Charice ang host.

Magmula noon, sunud-sunod na raw ang offers niya to appear sa iba't ibang shows abroad.

Ibinalita rin ng dalagita na nagkaroon din siya ng oportyunidad to guest in Oprah Winfrey Show">The Oprah Winfrey Show.

Super amazed daw si Oprah sa boses niya. In fact, nagtanong daw ang hinahangaang TV superstar kung sa-an nanggaling ang boses ng dalagita.

Isa lang ang hiling ni Charice: Hangad niyang suporta-han siya ng mga Pinoy kagaya ng ibinibigay na suporta ng mga nasa U. S. at iba pang panig ng mundo sa kanya.

Oo nga, mas nauna pang sumikat si Charice sa U. S. kesa rito sa 'Pinas.

* * *

Plantsado at sigurado na ang gagawing pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Recently, pumirma si Richard ng one picture contract sa Star Cinema kasama ang isang legal consel ng GMA-7 at ang inang si Annabelle Rama.

Ngayon pa lang, alam naming full blast ang magi-ging suporta ng Dos sa pelikulang ito, at siyempre, magi-ging super-mega blockbuster pa ito. Sa panayam sa actress-singer, hindi man kinumpirma ni KC kung totoo ngang may kissing scenes at love scenes sila ni Richard, sinabi naman ng dalaga na gagawin nila ang lahat para maibigay ang gustong mapanood ng mga tao. Ngayon ay mas mag-kakaroon na ng mahabang oras sina Richard at KC na magkasama sa shooting. Mas lalo kayang lumalim ang pagtitinginan ng dalawa? Sa totoo lang, wala na ka-ming mas nakikita pang ibang babagay kay KC for a leading man kundi si Richard lang. Swak talaga sila. Mabuti at napapayag ang Siyete na ga-win ang proyektong ito.

Source: Taliba