|
|
| Klaudia, ikakasal sa 'PinasAuthor: Gerry Ocampo KUNG dati-rati ay ayaw sabihin ni Marian Rivera kung ano ang iniregalo niya kay Dingdong Dantes nu'ng Pasko, sa presscon ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, buong ningning nitong inamin na isang Omega wristwatch ang give niya sa kapareha. Mahilig daw kasi sa relos si Dingdong. Ang aktor naman, isang espesyal na larawan ni Marian na may sukat na three feet by five feet ang ipinaguhit sa isang kaibigang painter. Bukod dito, binigyan din ni Dingdong ng diamond-studded bracelet ang favorite leading lady. Kaya naman ayaw maniwala ng direktor nilang si Joyce Bernal na wala pa silang relasyon, eh. Sabi nga ni Direk Joyce, na siyang nakakakita sa sweetness at lambingan nina Marian at Dingdong sa set mula pa nu'ng Marimar days, "magpakasaya na kayo. .. umamin na kasi kayo. " Ano pa nga ba ang hinihintay nina Marian at Dingdong? * * * Tumawag sa amin si Klaudia Koronel para sabihing hindi siya nagbago. May tsika kasing yumabang na siya mula nang gumanda ang buhay abroad. "Tito, paki sabi naman na hindi ako mayabang. Hindi ako nagmamalaki at nagmamaldita," say ni KK. Sabi pa niya, pati mga magulang niya'y masaya na ngayon. Katunayan, madalas niyang kasama ang ama at ipinagmamaneho pa siya. Ang mga kapatid naman ni KK, may kanya-kanya nang tirahan. Suwerte raw siya na nakatagpo ng lalaking mamahalin at magmamahal sa kanya. Sa August 28 sila nakatakdang magpakasal dito sa 'Pinas. * * * NGAYONG Martes, isi-share ng mga komedyanteng sina Kitkat, Patani at Beverly Salviejo ang kanilang funny prom night experiences kina Lucy Torres at Wilma Doenst sa The Sweet Life ng QTV Channel 11. Bukas naman, ang OPM icons na sina Nonoy Zuñiga at Marco Sison ay muling magpaparinig ng kanilang most popular love songs na patuloy na kinakanta't tinutugtog sa mga prom night, kasalan at birthday celebration. Malapit na ang Valentine's Day, kaya sa Thursday episode, aapir ang mga loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, May Flores at Mico Aytona, Prince Estefan at Jennica Garcia sa The Sweet Life. Source: People's Tonight |