|
|
| Komedyana, 2 beses nagpadagdag ng boobsAuthor: Ernie Enrile MAGANDA ang naging resulta ng isinagawang breast augmentation kay Kitkat, eh, dalawang sikat ba naman na plastic surgeon ang "nakialam" -- sina Drs. Manny Calayan at Vicki Belo. Of course, hindi sabay sa operating room ang dalawa. Nauna raw itong inayos ni Doc Manny, at 'yung dating 32 inches na bumpers ng komedyana ay ginawang 34. Dahil 'di pa raw siya kuntento sa gayung sukat, pinadagdagan uli ito ni Kitkat nang ma-meet niya si Dra. Vicki. Ngayon, isa nang proud "Boobsie" ang hitad dahil sa 36 inches, cup C bumpers. "Frustrated sexy star po kasi ako," kuwento ni Kitkat sa presscon ng Supah Papalicious ni Vhong Navarro. "Gusto ko, lahat ng nasa katawan ko ay maganda, lalo na ang boobs ko. "Kaya nga pagkatapos kong ipaayos 'tong ilong ko, cheekbones at pilikmata, 'pag may time ako, padadagdagan ko pa uli ang boobs ko. Keri ko pa naman siya kahit umabot siya sa 38 inches. 'Di pa siya mabigat dalhin. Hahaha!" Bukod kay Kitkat, ang iba pang kasama ni Vhong sa Supah Papalicious ay sina Makisig Morales, Valerie Concepcion, Baron Geisler, Mura at Pokwang. Directed by Gilbert Perez, showing na ang said Star Cinema movie. * * * SPEAKING OF Valerie, hindi kataka-taka kung nami-maintain ng dalaga ang kanyang figure kahit may tendency siyang kumain nang wala sa tamang diet. Ano ang sikreto ni Val? "Basically, by being positive about life," she narrates. "Bukod sa regular exercise at pagkain ng tama, nadiskubre ko ang benefits ng natural food supplements. "Also, I've been taking Slenda everyday for sometime now. Maybe that's the reason why I'm slender na slender na, maganda pa," she laughs. Isang all-natural food supplement ang Slenda na nagtataglay ng resveratrol, EGCG, banaba at turmeric. Available ito in all drugstores nationwide. * * * NGAYONG Easter Sunday, pormal nang sisimulan ang pagbabalik ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition at ang Pinoy Dream Academy. Bubuksan uli ni Kuya at ni Headmaster ang kanilang pintuan sa mga kabataan at musikerong Pinoy, 'di lang upang pasikatin at bigyang-katuparan ang kanilang mga pangarap, kung hindi para baguhin ang kanilang mga buhay. Sa nakaraang season ng PBB Teens, mala-Cinderella story na nabago ang buhay ng dating prinsesa kung tratuhin na si Kim Chiu nang siya ang tanghalin bilang kauna-unahang Teen Edition big winner. Dito nagsimula ang makulay niyang karera sa showbiz. Isinabak siya sa primetime soap na Sana Maulit Muli, sa sitcom na Aalog-Alog, sa fantasy romance series na Love Spell at ipinakita ang singing at hosting skills sa ASAP. Malapit na ring mapanood si Kim sa sineseryeng Maligno. Klik din ang tambalan ngayon nina Kim at Gerald Anderson. Naging malaking tagumpay ang kanilang First Day High at Fallen for You. Meanwhile, after PDA, abot kamay na ngayon ni Grand Star Dreamer Yeng Constantino ang magagandang pangarap sa buhay. Isa siya sa pinakamahusay at pinakaaabangang singer-composers ngayon. Pinatunayan niya ito nang mag-triple platinum ang kanyang debut album. Hosts ng PBB Teen Edition Plus sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez at Luis Manzano. Source: People's Tonight |