Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Komedyana hinipuan si Polo sa harap ni Jean

Inggit na inggit ang mga bading na nanood ng concert ng Boyz. com sa komedyanteng si RubiRubi dahil binalahura niya ang limang miyembro ng Boyz. com na sina Polo Ravales, Joseph Bitangcol, Frank Garcia, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco sa ma-tagumpay na c...

 

Komedyana hinipuan si Polo sa harap ni Jean

Column: Whatever
Author: Tonee Coraza

Inggit na inggit ang mga bading na nanood ng concert ng Boyz. com sa komedyanteng si RubiRubi dahil binalahura niya ang limang miyembro ng Boyz. com na sina Polo Ravales, Joseph Bitangcol, Frank Garcia, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco sa ma-tagumpay na concert nila na ginawa sa Metro Bar noong Biyernes. Aba, masahol pa sa mga kafatid sa panampa-lataya na pinagkakapa ni RubiRubi ang harapan ng limang boys sabay pagde-describe sa audience ang korte at size ng ari ng mga ito ayon sa kanyang hipo.

Hindi pa nagkasya doon ang matangkad na komedyante dahil isa-isa rin niyang pinaghahalikan ang limang boys sa lips!

Hiyawan ang audience habang namumula naman sa kahihiyan sina Polo, Joseph, Frank, Gabb at Alwyn.

Hindi nga makatingin si Jean Garcia sa stage habang kinakapa ni RubiRubi ang nota ni Polo. Si Polo rin pala ang nakakuha ng pinakamataas na rating kay RubiRubi, meaning si Polo ang pinakadaks sa hipo niya.

Pero ayon naman sa aming obserbasyon si Gabb ang may pinakamalaking bukol sa limang boys. No wonder, nagtagal din ang kamay ni RubiRubi sa pagkapa ng harap ni Gabb.

Nag-enjoy kami nang husto sa show. Para sa amin si Joseph ang pinaka-cute at pinakamagaling sumayaw sa grupo. Si Alwyn naman ang pinakamagaling kumanta.

Siyempre si Polo ang may pinakamagandang katawan na sinundan ni Gabb. Kamukha naman ni Frank si Rafael Rossel.

Masyadong mahaba ang show na inabot ng almost three hours. Para sa amin ay dapat pinutol na lang 'yung Central Jury portion ni Rufa Mae Quinto at pinasayaw na lang siya kasama ang limang boys.

Dapat din ay nagkasya na lang sa isang production number si RubiRubi dahil hindi naman siya ang pinunta ng manonood kungdi ang boyz. com.

Congrats to Boyz. com dahil napuno nila ang Metro Bar last Friday, in fairness.

We could hardly wait for their next show. Aba, malaking threat sila sa Coverboys.

* * *

Aba, kung hindi natuloy ang pagsasama nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pelikula, tuloy na tuloy naman ang pagsasama nina Gabby at ng pamangkin ni Sharon na si Faith Cuneta sa birthday concert ng huli na gaganapin sa Teatrino Greenhills on May 25 titled Celebrate Faith.

Balitang binayaran si Gabo ng tumataginting na P200,000 just for two songs!

Aba, daig pa niya si Gary V, huh!

Sa palagay ni Faith ay hindi naman daw maga-galit o magtatampo sa kanya ang Tita Sharon niya sa kanya dahil sa pagkuha niya kay Gabby sa birthday concert niya. Trabaho lang naman daw ito at walang personalan.

Hindi na rin siya nag-attempt na kausapin pa ang Megastar para mag-guest sa concert niya kasi alam niyang busy ito ngayon sa promo ng pelikula nitong Caregiver na ipapalabas na sa May 28.

First concert ito ni Gabby magmula nang bumalik siya dito sa Pilipinas at marami ang gustong panoorin siya nang live na kumanta. Dapat lang sigurong mag-aral ng mga bagong kanta si Gabo kasi 'yung 'national anthem' niya na Nandito Ako ni Ogie Alcasid ay sobrang gasgas na!

Ang tanong, kantahin kaya nina Gabby at Faith ang Come What May na duet nina Gabby at Sharon sa fisrt movie nilang Deart Heart? Abangan!

Mapapanood din si Faith sa Library on May 22 at sa Metro Bar on May 30.
'Di ba Joey S?

Source: Taliba