Oct 12
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Komedyante, nakaw-eksena sa Star Magic catalogue launch

SOSYAL-SOSYALAN at talagang engrande ang naging paglulunsad ng 2008 catalogue ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, bilang parte ng 15th anniversary nito nu'ng Linggo ng hapon. Sangkaterbang stars ang dumating, na lahat ay nasa pangangalaga ng SM sa p...

 

Komedyante, nakaw-eksena sa Star Magic catalogue launch

Author: People's Tonight

SOSYAL-SOSYALAN at talagang engrande ang naging paglulunsad ng 2008 catalogue ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, bilang parte ng 15th anniversary nito nu'ng Linggo ng hapon.

Sangkaterbang stars ang dumating, na lahat ay nasa pangangalaga ng SM sa pamumuno ni Johnny Manahan o Mr. M.

Kasabay ng catalogue launch ang isang two-pronged photo exhibit na ginawa sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound at sa Trinoma sa North Ave. , QC.

Pinangunahan ang event ng SM big stars na sina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, Kristine Hermosa at Diether Ocampo, na pawang nakakulay puting kasuotan.

Sa sobrang dami ng guests, mahirap mapansin kung nagbatian ang ex-couple na sina Kristine at Diet o kung nagtabi o nag-iwasan ang kasalukuyang natsitsismis na sina John Prats at Shaina Magdayao.

Naunang dumating si Kristine kay Diet, na nanggaling pa ng Benguet para sa isang activity ng itinatag na Kids Foundation.

Mas nauna ring dumating si Shaina kesa kay John, na agad in-ambush interview ng mga taga-MYX.

Si Sam naman ang pinaka-busy sa pagpirma ng autograph habang ang iba'y abala sa katsitsika.

Sa naturang exhibit malalaman kung sinu-sino ang prized properties ng SM. Siyempre, nasa first row ang mga larawan nina John Lloyd, Piolo at Claudine Barretto.

Sina Shaina, Sam at Bea naman ang nasa ikalawang row, kasunod sina Kristine, Diether at Roxanne Guinoo.

Ang mga litrato naman nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at Rafael Rosell ang nasa pinakahuling hanay sa exhibit.

Super kapal ng glossy catalogue dahil halos well-accounted for ang lahat ng SM artists.

Pati nga si Jiro Manio, na hindi na nag-renew a few months ago, kasama rin sa pictorial.

Nakaw-eksena naman ang komedyanteng si Empoy, na namudmod ng computer-printout ng kanyang litrato sa press dahil hindi nakasama sa half-page pictorial nina Bentong, Gerry Montes, Carlos Terry at Roden Araneta.

Pero, wala siyang ibinigay na rason kung bakit wala ang mukha niya sa pahina ng SM comedians.

Samantala, as we go to press ay hindi kami sure kung saan mabibili ang naturang collector's item, pero sa pagkakaalam namin, puwede itong mabili ng fans for P130.

Source: People's Tonight