Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Komento ni Alfie Lorenzo tinapatan ng Star Magic

Kasamang dumating ni Bernard Palanca sa studio ng The Buzz ang kanyang kapatid na si Erikka. Kararating lang ng aktor mula sa Melbourne, Australia at si Erikka naman at ang kanilang ina ay kararating lang mula sa Amerika nung Linggo nang umaga.Kasamang...

 

Komento ni Alfie Lorenzo tinapatan ng Star Magic

Column: Showbiz Mismo
Author: Cristy Fermin

Kasamang dumating ni Bernard Palanca sa studio ng The Buzz ang kanyang kapatid na si Erikka. Kararating lang ng aktor mula sa Melbourne, Australia at si Erikka naman at ang kanilang ina ay kararating lang mula sa Amerika nung Linggo nang umaga.

Kasamang umalis ng pamilya Ejercito sina Tita Pita at Erikka, isang buwan din silang nanatili dun, si Precy ang nagsama sa mag-ina para makalimot kahit pansamantala lang sa pagkamatay ni Dr. Larry Hocson.

"Nagpunta po muna kami sa San Francisco, then, to Los Angeles. We also went to Las Vegas, one month po kami dun. We came this morning lang," kuwento sa amin ni Erikka na bestfriend naman ng dalaga nina Senador Jinggoy at Precy na si Janella.

Medyo magtatagal dito si Bernard dahil marami siyang aasikasuhing papeles. May plano na siyang manirahan sa Australia dahil mukhang ang nasabing lugar daw ang nababagay sa kanyang mga hinahanap.

Nung dumating si Bernard ay agad siyang nagpunta sa kanyang mag-ina, miss na miss na kasi niya si Elijah, ang kanilang anak ni Meryll Soriano.

Siguradong masayang-masaya si BJ nang makita ang kanyang anak dahil napaka­guwapo nito, maganda ang kumbinasyon nila ni Meryll, artistahin na agad ang itsura ng bata ngayon pa lang.

"He's one of the reasons why I came home. Miss ko na ang anak ko, sobra! Nung ibinigay siya sa akin ni Meryll, tinitigan muna niya ako. Pero after a few seconds, he smiled at me na. He hugged me na. Then, naglaro na kami," kuwento ng ama ni Elijah.

Maayos ang kanilang relasyon ni Meryll sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nag-lunch pa nga sila nung minsan para ayusin ang lahat ng kanilang obligasyon sa bata, ibig sabihi'y pinag-usapan nila ang sustento na kailangan niyang ibigay sa kanilang anak.

Pero kahit nasa Australia naman si Bernard ay regular ang pagdalaw ng kanyang ina kina Meryll at Elijah. Walang masasabi si Meryll sa pamilya kundi pasasalamat dahil sa kawalan ni BJ ay hindi nakalilimot ang kanyang pamilya sa kanyang mag-ina.

* * *

Mukhang matindi na ang nagaganap na kontrobersiya sa pagitan ng Star Magic at ni Mama Alfie Lorenzo. Nag-ugat ang isyu sa sinabi ng manager ni Judy Ann Santos sa isang VTR interview na, "Oo, tama. Kasi, kailangang gumawa ng ingay dahil nagka-comeback si Claudine. "

Ang tinutukoy na isyu ay ang pagkuha kay Juday sa isang shampoo endorsement para maging maganda ang imahe ni Claudine Barretto na nagbabalik mula sa panganganak nito.

Sabi uli ni Mama Alfie, "Naiinis ako. Yun bang parang they're trying to find a way para magkaroon ng ingay ang comeback ni Claudine. Ang ikinaiinis ko, lumang style na yun, bakit hindi na lang baguhin kung paano, di ba?"

Dahil dun ay tinapatan ng Star Magic ng isang tuwirang statement ang mga sinabi ni Mama Alfie. Ang punto ng Star Magic, kinuha ng naturang kumpanya si Claudine bilang tagapag-endorso sa eksaktong panahong nagbabalik si Claudine.

Pinanindigan ng Star Magic na walang dirty tactics na nakapaloob sa negosasyon, madiing sinabi ng Star Magic na hindi kailangan ni Claudine si Judy Ann para sa kanyang pagbabalik, dahil inani ng aktres ang katayuang pinanghahawakan niya ngayon sa sarili niyang pagsisikap.

Huwag daw namang palabasin na para lang maging maingay ang pagbabalik ni Claudine ay kailangan pa nitong makasama si Judy Ann sa isang proyekto.

Ang kabuuang nilalaman ng official statement ng ABS-CBN Star Magic bilang tugon sa akusasyon ng manager ni Judy Ann ay narito.

"This is in reference to the recent statements of Mr. Alfie Lorenzo in connection with Ms. Claudine Barretto. In last Sunday's (May 10, 2008) edition of Startalk, Lorenzo made some comments regarding his artist, Judy Ann Santos, ABS-CBN and DZMM.

At one point he said that Judy Ann was taken as an endorser of a shampoo brand to enhance the image of Ms. Claudine Barretto. Mr. Lorenzo insinuated that this supposedly helped in the showbiz comeback of Claudine. He went to say that without Judy Ann, Claudine would not have had a successful re-entry in showbiz.

In clarification, Claudine and Judy Ann, along with Ms. Gretchen Barretto and Ms. Ruffa Gutierrez were signed as endorsers of a campaign coincided with Claudine's return to showbiz after giving birth. This is not part of any dirty tactics to use or exploit anyone.

ABS-CBN believes that Ms. Claudine Barretto made a name in showbiz and has a loyal following because of her popularity and hard work and has no need of any help from Judy Ann Santos or bitter old men posing as showbiz journalists.

ABS-CBN has high regard for Claudine, as with other artists.

Source: The Philippine Star