|
|
| Kontrata ni Gabby sa GMA Films, pinawalang-bisaAuthor: Nitz Miralles Parehong nagpahayag sina SVP for Entertainment TV ng GMA-7 Wilma Galvante at Annabelle Rama na labas ang network sa kanilang away na umabot na sa demandahan. Hindi raw maaapektuhan ang mga talent ni Annabelle na naka-kontrata sa Siyete, pero ang latest, pag-aaralan ni Annabelle kung mananatili sa istasyon ang mga talent niya. Ikinatuwa ng huli na hindi makikialam ang network, pero lalaban siya at 'di uurungan si Wilma. Handa siyang harapin sa korte ang kaso na isinampa laban sa kanya at iginiit na si Wilma ang nagsimula ng away. Ang tanging kasalanan daw niya ay ipinangtanggol ang mga talent niyang sina JC de Vera at Heart Evangelista. Kahapon bumalik si Annabelle sa Quezon City Regional Trial Court Branch 95 para magsampa ng counter-affidavit laban kay Wilma. Nauna na siyang pumunta sa QC RTC noong Martes para sa hearing ng Damages suit na isinampa ni Wilma. Una nang sinabi ni GMA Network president/CEO Felipe Gozon na hindi niya mapipigilan si Wilma kung gugustuhing idemanda si Annabelle. Balitang demandahan pa rin, magdedemanda rin si Annabelle sa PEP at sa reporter na nagsulat ng article tungkol sa "banggaan" nina Richard Gutierrez at Michael Flores. Pati si Richard, magdedemanda rin dahil nakasisira sa image niya ang balita at puwedeng makaapekto sa trabaho niya bilang actor at endorser. Hindi na lang sina Annabelle, Richard at Jo-Ann Maglipon ang wanted ng press, pati na ang nagsulat ng article at ang two witnesses ng PEP. Sino sila? * * * Nabasa namin sa kolum ni Ogie Diaz dito sa People's Tonight na magdedemanda ang writer ng Zuma na si Jim Fernandez 'pag hindi pa tumigil ang press release na ire-remake ito. Nabanggit ni Ogie sina Carlo Maceda at Dingdong Dantes na interesadong i-remake ang istorya ng isang taong ahas. Naalala naming nakita namin si Dingdong na may dala ng CD ng Zuma, ipinapanood daw sa kanya ng anak ni Ben Yalung, director ng Zuma, pero 'di sinabi kung bakit. Actually, may time nang gumawa ng pelikula ang actor after Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang dahil wala pa yata siyang next project pagkatapos ng soap nila ni Marian Rivera. Samantala, sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, si Proserfina (Marian) ang magpo-propose ng kasal kay Homer (Dingdong) na tinanggap nito. Darating si Heleen (Angelu de Leon) sa ospital at ibabalitang buntis siya at si Homer ang ama. * * * Napanood namin ang guesting ni Gabby Concepcion sa Spoon, cooking show ni Janice de Belen sa Net 25, at nagluto ng monggo with ampalaya ang actor. Mahigpit na nagyakapan ang dalawa bago magpaalam ang actor at mukha namang kumportable sila sa isa't isa. May cameo role si Gabby sa movie nina Ai-Ai de las Alas at Sharon Cuneta. 'Yun nga lang, hindi sila magka-eksena ni Sharon. Hindi isyu na sa Star Cinema ang comeback movie niya dahil pinawalang-bisa na ang kontrata niya sa GMA Films. Maayos ang pag-uusap ng actor at ni Annette Gozon-Abrogar at ibinalik ng actor ang downpayment sa talent fee niya sa I. T. A. L. Y. Puwede na siyang gumawa ng pelikula kahit saang movie company. Source: People's Tonight |